^

PSN Showbiz

Mga pelikula ni Sunshine Guimary, naging requirement ang paghuhubad

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mga pelikula ni Sunshine Guimary, naging requirement ang paghuhubad
Sunshine
STAR/ File

Nakilala bilang isang sexy star si Sunshine Guimary nang ilunsad sa pelikulang Kaka ng Viva Films nitong taon lamang. Malaki ang pasasalamat ng dalaga dahil kabi-kabila na ang naging proyekto pagkatapos maipalabas ng naturang launching movie niya. “Nasa point ako na feeling ko dati ang 2021 is hindi siya okay for me, kasi nga pandemic at kasagsagan ng lockdown tapos no’n pa ako pumasok sa showbiz. But unexpected, hindi pa rin siya mag-sink in sa akin until now. After kong magawa ‘yung Kaka, ilang months lang sunud-sunod na ang mo­vies ko,” nakangiting pahayag ni Sunshine.

Kung mabibig­yan ng pagkakataon ay gusto rin umano ng dalaga na makilala siya bilang isang magaling na aktres. “Mahirap ‘yung fee­ling na alam mo ng naka-signature na sa ‘yo ‘yung sexy, siyempre ‘yon ang hahanapin sa ‘yo ‘di ba? So the challenge for me, parang walang pelikula na hindi ako pwedeng hindi maghubad. Parang naging requirements na siya ‘pag meron kang tatak na sexy profile, parang hindi na ikaw ‘yon ‘pag hindi mo kayang maghubad, ganyan. Ako naman siyempre, pinapanindigan ko ‘yon at binibigay ko pa rin lahat kung ano ang kailangan sa akin. Pangarap ko rin magkaroon ng super serious na movie, ‘yung awayan, selosan, mistresses. ‘Yung totoong banatan at ‘yon ang isa sa pangarap kong gawin. Palagi kong pinagpe-pray pero siyempre kung anong gusto ng mga big bosses natin sa Viva, susunod pa rin naman ako,” pagtatapat ng dalaga.

Unang nakilala si Sunshine bilang isang video blogger bago pa sumabak sa pag-aartista. Sumikat ang dalaga dahil sa hindi pagsusuot ng bra sa kanyang mga video sa YouTube. “Maraming naka-private ngayon sa YouTube videos ko expecially ‘yung no bra kasi na-demonetize ‘yung channel. Wala nang income ‘yung channel, magwa-one year na, so sayang din. Hindi lahat ng video ko sa YouTube may pera, ‘yung iba wala, ‘yung iba meron,” pagtatapos ng sexy actress.

Ariella, gumagamit ng dating apps ‘pag nasa ibang bansa

Kapag bumibiyahe sa ibang bansa ay nasusubukan ni Ariella Arida na gumamit ng dating apps. Ayon sa beauty queen-actress ay masayang makipag-usap sa mga hindi pa niya nakikilala nang personal. “I’ve tried dating apps kapag nagta-travel ako pero no successful story. Hanggang chat-chat lang, mostly ang nakakausap ko parang ang dating sa kanila I’m messaging them because kailangan ko ng parang tour guide sa isang place. Kasi nga tourist ako, something like that. Actually fun siya gawin. Madali namang i-google din ‘yung tao ngayon at madali naman pakiramdaman kung totoo ba ‘yung kausap mo. Ako nga mas risky on my part because I do it when I travel pero I never tried meeting them pa in person, hanggang message lang. Hindi kaya ng sarili kong makipag-meet eh,” natatawang kwento ni Ariella.

Napapanood na ngayon ang pelikulang Sarap Mong Patayin na pinagbidahan ng dalaga kasama sina Lassy Marquez at Kit Thompson. Maraming mapangahas na mga eksena ang ginawa ni Ariella sa naturang digital film. (Reports from JCC)

vuukle comment

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with