^

PSN Showbiz

Rabiya at Maja, nag-aagawan kay Bong?! Willie at Raffy, atras na sa eleksyon Ian, nagkasakit?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Rabiya at Maja, nag-aagawan kay Bong?! Willie at Raffy, atras na sa eleksyon Ian, nagkasakit?!
Rabiya.

Si Rabiya Mateo pala ang bagong ‘babae’ ni Sen. Ramon Revilla sa Book 2 ng Agimat ng Agila na mag-uumpisa na raw mag-lock in anytime.

Pero andun pa rin naman daw si Sanya Lopez ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganun.

Aside from Rabiya, sinasabi ring makakasama sa Agimat... si Maja Salvador.

Wow, bongga si Sen. Bong. Sino nga ba?

Samantala, si Christopher de Leon ang papalit kay Ian Veneracion sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba ng Kapamilya channel.

Health reason din pala ang dahilan kaya umatras si Ian sa nasabing teleserye.

Samantala, pinag-usapan din sa TIPMMG kahapon ang mga kakandidatong celebrity sa 2022.

True ba na hindi na tutuloy si Mr. Raffy Tulfo? Kahit daw senador, hindi na ito tutuloy matapos nga magkaroon ng ‘miscommunication’ sa DDS kahit nagpaliwanag si Mr. Raffy na hindi niya puwedeng kalabanin si Pres. Digong.

Maging si Willie Revillame ay malabo na rin daw talaga.

Ang dalawang bilyonar­yong personality ang kasama sa mga mataas sa mga survey para sa 2022 elections.

Samantala, blind item na hindi naman blind item ang issue kay Kathryn Bernardo na mahusay daw mag-memorize ng script kahit 10 pages pero hindi raw maka-memorya ng pangalan ng ibang staff niya. Hahaha.

Kung sabagay, noon pa may nagkukuwento na talagang hindi talaga close si Kathryn sa mga personal assistant niya dahil may pagkakataong hindi talaga nito maalala ang pangalan ng P.A. But anyway, baka naman nag-iba na si Kathryn ngayong pandemic na matapos bumida sa mga hit seryeng Got 2 Believe, Pangako Sa ‘Yo, at La Luna Sangre, muling masisilayan ng fans nila ni Daniel Padilla sa isang bagong obra.

Pero highlight ng TIPMMG kahapon ang pina-raffle na bigas ni La Greta Barretto.

Bongga siya, tinawagan si Nay Lolit Solis at sinabing gusto niyang magpa-raffle sa viewers ng number 1 digital talk show ng Pilipino Star NGAYON na Take It... Per Minute, Me Ganun hosted by Nay Lolit, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu. Lagi pala kasing nanonood ang reyna ng ‘sabungan’ na si Ms. Gretchen kaya naisip niyang magpa-raffle.

Sosyal ang TIPMMG, talagang pinapanood ng celebrities.

Kaya sa mga hindi pa nakakapanood sa live episode ng TIPMMG, maki-Team replay sa Facebook page and YouTube channel ng PSN and Pang Masa.

 

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with