^

PSN Showbiz

Janella, inaming hindi nag-progress ang friendship kay Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, inaming hindi nag-progress ang friendship kay Julia

Hindi na nagkakausap ngayon sina Janella Salvador at Julia Barretto. Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa noon.

Matatandaang nag-unfollow si Julia sa Instagram accounts nina Janella at Joshua Garcia noong 2019. Si Janella ang katambal ni Joshua sa teleseryeng The Killer Bride at kasintahan naman ni Julia ang aktor noon. “Honestly, hindi na kami nag-uusap ni Julia. There was an issue before, hindi ko na sasabihin pero alam n’yo na ‘yon,” makahulugang pag-amin ni Janella.

Noong isang taon ay nagpadala pa raw ng regalo si Julia kay Janella nang malamang buntis ang aktres. “Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako. Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin. If we ever cross paths again, then why not? But right now, hindi pa kami nag-uusap,” kwento ng aktres.

Daniel, isang taon inayos ang script ng bagong serye nila ni Kathryn!

Isang taong pinaghandaan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang bagong teleserye. Magsisimula na ang taping ng KathNiel para sa Too Good To Be True sa susunod na buwan.

Ayon kay Daniel ay talagang ibang-iba raw ang bagong proyekto sa kanilang mga nagawa na noon. “Isang taon kaming nag-aayos ng script. Inaayos naming lahat with the team kung ano ‘yung gusto naming gawin, kung ano pa bang pwede naming gawin na something new for the people. Now, nakagawa na kaming lahat ng isang magandang script, gagawin na namin,” pagbabahagi ni Daniel.

Kahit excited ay nakararamdam naman ng takot si Kathryn ngayon sa pagbabalik-trabaho dahil sa pagkakaroon ng pan­demya. “Of course ‘yung kaba mo ‘yung safety ng lahat, na sana maging safe kayo sa bubble and all. Tapos iba ‘yung setup ngayon ng taping eh. Parang ang hirap kasi i-risk ‘yung safety ng lahat. So extra challenging gumawa ng isang project ngayon sa sitwas­yon natin. Kasi ang hirap gumalaw in this pandemic. So sana maging maayos ang lahat. But over all, excited kami ni DJ (palayaw ni Daniel). Kailangan lang naming bumuwelo pa. Nagsi-sink in lang siya sa amin unti-unti pero kapag nando’n na, with the production and everyone, I think this is going to be a fun journey,” paglalahad naman ni Kathryn.

Malaki ang pasasalamat ng magkasintahan sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang mga proyekto. Nagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ngayon ang tambalang KathNiel. “Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga humahanga, sa lahat ng nandiyan pa rin na sinusuportahan ang ABS-CBN. Samahan n’yo kami na bigyan kayo ng bagong rason to smile,” dagdag pa ng aktres.

“Nais kong magpasalamat sa inyong walang sawang suporta sa loob ng sampung taon sa aming dalawa ni Kathryn. At ngayon ho na may bago kaming proyekto ay sana ho ay patuloy n’yong suportahan,” pagtatapos naman ni Daniel. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with