^

PSN Showbiz

Gretchen, tinodo ang pamimigay ng bigas!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, tinodo ang pamimigay ng bigas!
Gretchen.

Wow talaga, Salve. nag-donate si Gret­chen Barretto ng pa-raffle na one sack of rice every week sa Take It… Per Minute Me Ganun para lang mag-spread ng joy sa mga makakatanggap nito.

Sa tulong ni Ana Abiera na Ms. Competent talaga, inasikaso niya na maibigay ito sa viewers para lang kahit papaano merong joy ngayong pandemic.

Gusto ko ring mag-thank you kay Francis Simeon dahil parang siya ang assistant ni Ms. Double A, Ana Abiera para maihatid ang mga bigas na bigay ni Gretchen Barretto.

I cannot thank Gretchen enough sa mga ginagawa niyang pagri-reach out ngayon sa mga taga-showbiz, pero talagang kahanga-hanga ang pagtulong na ginagawa niya.

Naalala ko tuloy si Bibsy Carballo, ang manager niyang namayapa, siguro kung buhay siya proud na proud siya sa mga ginagawa ni Gretchen.

For sure kahit si Bibsy happy sa charity works ngayon ng alaga. Imagine mo, Salve, pinili ni Gretchen ang TIPMMG para sa pamimigay niya ng bigas, proud naman tayo. At talagang sa pagiging competent ni Ana, wala kang marinig na nagreklamo, dahil talagang may follow-up, merong checking ‘yung nakatanggap.

Wow talaga parang gusto ko nang i-declare na darling of the press, kaibigan ng showbiz, at super duper hero ng pan­demya si Gretchen Barretto ha. Bongga siya.

Ibang artista na jobless, ginawang takbuhan ang pulitika

Tawa ako nang tawa sa reactions sa mga ibang artista na tatakbo sa election.

Kasi nga para bang hindi matanggap ng marami na ngayon ay parang takbuhan ng mga nawalan ng trabaho sa showbiz ang pulitika.

Sabi nga ng iba, para raw ganun kadali ang maging pulitiko kaya ito ang naisip ng marami na maging fallback dahil nga sa kalagayan ngayon ng showbiz.

Pero marami rin namang stars na naging mahusay na public servants.

Naging magandang representative ng showbiz sa mundo ng pulitika. Bigyan natin ng pagkakataon ang lahat ng gustong pumasok na taga-showbiz sa pulitika.

Kanya-kanyang trip, kanya-kanyang opportunity para mabuhay. Halos pareho lang naman iyan, tao rin ang pipili kung ano at sino ang gusto nila. May magiging star, meron namang hanggang starlet lang.

 

vuukle comment

GRET­CHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with