^

PSN Showbiz

Batang aktres mahina ang memorya sa mga katrabaho, bf lang ang natatandaan ang pangalan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mismong mga taga-produksiyon ang nagkukuwentuhan isang gabi tungkol sa isang pamosong female personality. Suot ang kanilang face mask at face shield ay pinagpistahan ng grupo ang kanilang disgusto tungkol sa babaeng personalidad.

Hindi pa siya beterana, batambata pa, pero sa ilang pagkakataong nakatrabaho nila ang female personality ay marami silang nadiskubre.

Kuwento ng aming source, “May sariling grupo kasi ang mga staff and crew. Bawat project na gawin nilang magkakasama, minamarkahan nila ‘yun! Hindi nila ikinakalat ang mga obserbasyon nila, kanila lang ‘yun, may ganu’ng factor sa kanila.

“Meron silang gustung-gustong artista, meron din silang ayaw, may mga artistang nagiging katropa na nila,” unang kuwento ng aming impormante.

Ilang beses na nilang nakatrabaho ang pinagkukuwentuhan nilang female personality, maraming beses na silang nagkikita, pero nagtataka ang grupo kung bakit hindi sila natatandaan ng kilalang babaeng artista.

Sabi uli ng aming source, “Hindi naman nila ine-expect na batiin sila ng female personality by their first name, walang ganu’n, pero kakaiba siya!

“Kapag nasa set na sila, e, ni hindi man lang sila nginingitian ng girl, parang fans na nanonood lang sa shooting ang trato sa kanila, nagtataka sila!

“Ang maraming artista kasi, minsan-makalawa pa lang silang makita sa set, e, natatandaan na sila! Kaswalan na silang nag-uusap, dahil magkakatrabaho nga sila! Pero ang female personality na ‘yun, natapos na nila ang project, e, hindi pa rin sila natatandaan!

“Kunsabagay, nakarating na sa kanila ang kuwento na kahit nga ang mga kasambahay nila, e, hindi kilala ng female personality by name.

“Kuwento pa nga ng isang dating close sa girl, kahit ang name ng PA niya, e, hindi rin niya matandaan, kaya puro hoy lang ang sinasabi niya! Nakakaloka ‘yun, ha?

“Matagal na niyang katrabaho, hindi niya matandaan ang itsura, samantalang kung bumitiw siya ng kilometric lines sa mga movies niya, e, magaling naman siya!

“Kaya kapag nagkakalimutan ang tropa, ang linya nila, e, ‘O, nahawa ka na kay ____(pangalan ng bata pang female personality), hindi mo na ako kilala!’

“Isa lang ang alam nilang hindi makakalimutan ng girl, ang boyfriend niyang super-mahal niya, nagkakandaduling na siya kapag kaharap ang male personality!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Marjorie, matagal tinago ang relasyon kay Mayor Recom

Ilang taon na ang nakararaan ay tumakbo at nanalong konsehal si Marjorie Barretto sa Caloocan. Nakailang termino rin siyang nanilbihan at du’n nagsimula ang kuwento ng kanilang pagmamahalan ni dating Mayor Recom Echiverri.

Nu’ng mga panahong ‘yun din lumutang ang kuwentong lasing na lasing na nagsisisigaw si Dennis Padilla sa backstage habang nangangampanya sina Marjorie at dating Mayor Recom.

Ipinagkaila nila ‘yun nang mahabang panahon hanggang sa umamin na rin sila sa wakas na ang pamangking ipinakikilala ni Marjorie ay anak nila ng dating mayor ng Caloocan.

At ang mga sumunod na kaganapan ay kasaysayan na ngayon.

Gretchen, malabong kumandidato

Si Claudine Barretto naman ang kakandidatong konsehal ngayon sa Olongapo City. Kasama siya sa listahan ng partidong pamumunuan ng manager niyang si Arnold Vegafria.

Ang tanong, mapanindigan kaya ni Claudine ang bagong mundong pinasok niya, kilalang-kilala kasi ang aktres sa pagbabagu-bago ng takbo ng isip.

Matapos kaya niya ang kampanyahan? Baka naman sa kalahatian pa lang ay umurong na siya, ‘yun ang inaalala ng marami, na kailangang panindigan ni Claudine.

Si Gretchen na lang ang inaabangan ngayon ng ating mga kababayan kung kailan naman papasok sa pulitika. Mukhang malayo sa bituka ni Gretchen ang makisali, aliw na aliw na ngayon ang magandang aktres sa pagbibitiw ng mga manok-panabong, malaking abala ‘yun para sa kanya.

Maraming artistang kakandidato, may mga datihan nang naglilingkod, meron namang mga ngayon pa lang namulat sa takbo ng pulitika.

Si Mayor Isko Moreno na dating katambal ni Claudine sa pelikula ay kakandidato nang pangulo, napakalayo na ng nararating ng actor-politician na dating namamatsoy lang ng mga basurahan sa Tondo, nag-aalala lang ang mga tagasuporta nito dahil mukhang napakataas ng paglipad ng kanyang pangarap.

Sabi ng isang nakausap namin, “Matayog ang lipad ng saranggola ni Yorme Isko. Nakakatakot, nakakabahala, dahil kung gaano kataas ang paglipad, ganu’n din kalakas ang paglagapak!”

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with