^

PSN Showbiz

Jowabels ni Kiray Celis ipinatato mata ng aktres sa kanyang katawan

James Relativo - Philstar.com
Jowabels ni Kiray Celis ipinatato mata ng aktres sa kanyang katawan
Makikita sa mga larawang ito ang pagpapatato ni Stephan Estopia, boyfriend ng aktres na si Kiray Celis, ng mata ng nahuli sa kanyang balat
Mula sa Instagram account nina Kiray Celis at Stephan Estopia

MANILA, Philippines — Maraming umiiwas sa permanenteng pagpapatato ng pangalan o larawan ng karelasyon sa dahilang baka mauwi rin ito sa hiwalayan — pero hindi ganyan ang pananaw ng nobyo ng isang kilalang komedyante.

Sa Instagram post nitong Linggo ni Kiray Celis, makikita kung gaano ka-proud ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia sa pagpapatato ng mata ng kasintahan sa pagitan ng dibdib at balikat.

"In a scale of 1 to 10, Gaano ka kamahal ng jowa mo?!" sabi ng aktres sa kanyang Instagram post.

"Ngayon sabihin niyong hindi ako maganda! Ngayon niyo ko labanan! Eme! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Paliwanag niya, matagal nang sinasabi ni Stephan na gagawin niya ito. Gayunpaman, seseryosohin pala ito ng kanyang bufra at tinotoo na noong ika-17 ng Setyembre.

Alam naman daw ni Kiray na iniiwasan itong gawin ng maraming magkarelasyon dahil sa posibilidad na maaaring magkahiwalay. Pero hindi naman daw nakadepende ang kahihinatnan ng relasyon sa tintang ibinurda sa balat.

"Nasa sainyo parin yun. Babalikan ko kayo lahat pag kasal na kami! HAHAHAHAHA! Paanisss!" dagdag pa niya kalakip ang video.

"Thank you for everything at mahal na mahal kita daddy!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Paliwanag ng kanyang kasintahan, desidido siya sa kanyang ginawa at paninindigan na ito: "Ikaw na hanggang sa dulo.. Hindi magsisisi. Hindi magbabago.. Kaya, kapag mahal mo, ipa-tattoo mo," sabi ni Stephan sa hiwalay na paskil nitong Sabado.

"Mata mo palang to, sunod naman buong pangalan mo, buong mukha mo. Tapos mga anak natin. Mahal na mahal kita sobra sobra sobra Mommy @kiraycelis!"

Huling gumanap sa telebisyon si Kiray bilang si Evelyn "Evs" Morales-Guipit sa Kapuso romantic-comedy series na "Owe My Love" ngayong 2021.

Gumanap naman siya bilang si Lorena sa pelikulang "D'Ninang" noong nakaraang taon, bagay na nini-stream din sa streaming service na Netflix.

vuukle comment

BOYFRIEND

KIRAY CELIS

TATTOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with