^

PSN Showbiz

Rabiya, maedad ang gustong dyowain!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rabiya, maedad ang gustong dyowain!
Rabiya
STAR/ File

Parang ama ang peg...

Matagal nang pinapangarap ni Rabiya Mateo na magkaroon ng sariling punerarya upang maging kanyang negosyo. Gusto umano ng Miss Universe 2020 na maging maayos ang itsura ng mga namamatay para na rin sa mga naiwang mahal sa buhay. “Isa sa gusto kong business na itayo in the future is punerarya. Hindi naman natin hinihingi ‘yon (kamatayan), ‘di ba? That’s the cycle of life. Hindi ko kasi gusto ‘yung makeup ng patay sa probinsya. Parang feeling ko nilalagyan lang sila ng puting foundation at kinikilayan lang sila. Gusto ko magkaroon ng punerarya at gusto ko maganda ‘yung make-up ng mga kliyente ko,” pagtatapat ni Rabiya.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ay mas gusto raw ng dalaga ang lala­king mas matanda sa kanya. Hinahanap-hanap umano ni Rabiya ang pagmamahal at pagkalinga ng isang ama. “Three years (ang agwat sa edad) ‘yung ex ko, pero nakipag-date din ako sa seven years ‘yung gap namin. Wala kasi akong dad. So siguro ‘yung hinahanap ko sa relationship is somebody na mag-aalaga sa akin. Tatay pala talaga ‘yung hinahanap, ha-ha-ha!,” natatawang pahayag ng beauty queen.

Para kay Rabiya ay wala namang masama kung magmahal siya ng mas matanda sa kanya. “Love has no boundaries. As long as kayong dalawa, nasa legal age naman. And if it’s love, wala tayong magagawa. Love has no gender, it has no age. Basta legal kayong dalawa,” giit pa ng dalaga.

Nikko, pinagsisihan ang pananakit sa magiging misis

Aminado si Nikko Natividad na minsan na niyang nasaktan ang kasintahang si Cielo Eusebio. Nangyari ang hindi magandang insidenteng ito noong mga panahong nagsisi­mula pa lamang silang magsama sa iisang bubong. Pitong taon nang magkarelasyon sina Nikko at Cielo at mayroon na ring isang anak. “’Yon ang pinakaayaw kong maalalang year. Kasi ‘yon ‘yung time na nagawa ko siyang saktan physically. Napagsalitaan ko siya ng ‘di maganda. Naging alcoholic kasi ako noon. Nasasaktan ko siya, naalala ko ‘yung itsura niya, ‘yung mukha niya. Nagsisisi ako, ang sama-sama ko, ‘di niya deserve,” emosyonal na kwento ni Nikko.

Ayon sa aktor ay sadyang mabait ang ina ng kanyang anak. Kahit nasasaktang pisikal ay hindi raw siya nagawang iwan nito. “Naniniwala raw siya na magbabago ako. Nakita niya ‘ko nang walang-wala, gano’n pa ang ugali ko. Nagtiis siya, kaya sobrang mahal ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘Kapag inulit ko sa ‘yo ‘to, ipakulong mo ko. Kasi ayaw ko nang ulitin sa ‘yo ito,’” pagbabahagi ng aktor.

Kamakailan ay nag-propose na ng kasal si Nikko kay Cielo at nakatakdang magpakasal ang magkasintahan sa Oct. 31.(Reports from JCC)

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with