^

PSN Showbiz

Pamilya Dantes, parang gawa ng pintor ang mga hitsura

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pamilya Dantes, parang gawa ng pintor ang mga hitsura
Dantes Family
STAR/ File

Ang ganda-ganda ni Marian Rivera ngayon sa lahat ng lumalabas niyang photos. Talagang wala siyang anggulo, kahit saang angle mo kunan, ang ganda ng mukha.

At habang lumalaki si Zia para na ring small Marian na kitang-kita mo ang magandang hulma ng mukha. Pati si Ziggy na kamukhang-kamukha ni Dingdong Dantes.

Parang gawa ng isang pintor ang magagandang mukha ng pamilya Dantes. Talagang classic at lahat sila maganda.

Sobra talagang suwerte na maituturing may ganito palang pamilya na lahat binigyan ng good look, at bonus pa na mabait ang member ng pamilya.

Ngayong pandemic tahimik na tumutulong sa mga affected na kasamahan sina Dingdong at Marian. In their own way talagang gusto nilang makaahon ang mga kasama sa trabaho na talagang apektado ng pandemic.

Kaya no wonder, lahat ng blessing dumara­ting sa pamilya nila, dahil nga sa mga tulong na ibinibigay nila.

Robin at Mariel, malabong pasukin ang bahay

Hindi kaya natakot si Mariel Rodriguez na asawa ni Robin Padilla na ipakita ‘yung collection niya ng baril, Salve? Kasi nga, sa rami ngayon ng mga walang magawa hindi kaya may mag-isip ng masama at balakin nakawin ang gun collection ni Mariel?

Sabagay, dahil alam nila na mahusay humawak ng baril ni Mariel baka matakot sila, at sa dami ng gun collection niya tiyak na bakbakan iyan.

At hindi naman siguro mada­ling mapasok ang bahay ng mga Padilla dahil alam ng lahat kung gaano kaingat sa security ni Robin.

Bongga si Mariel, hindi ordinaryo na sapatos, bag o damit ha, baril talaga kaya hahanga ka.

Imagine mo isang babae ang hilig baril, bongga. Mas magandang collection iyan kaysa sa mga sapatos, bag o damit. Para na ring jewelry collection dahil tumataas ang value.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with