Gown ni Kris halos isang taon ginawa
Finally, natuloy na ang kasal nina Kris Bernal and Perry Choi.
At naka-live sa YouTube channel ng actress ang kanilang kasalan.
‘Yun nga lang, maraming live viewers ang nagreklamo dahil kung saan-saan tinututok ng cameraman kaya nawawala sa focus ng ikinasal.
Pero bongga si Kris, tinupad ang kanyang pangarap sa kabila ng pandemya.
Mak Tumang ang wedding gown niya na nine months daw ginawa. “Of course, considering the style and intricacies that I had envisioned, creating my ideal dress took some time,” aniya niya sa naunang post bago naganap ang kasalan nila.
Puno ng sunflowers ang St. Alphonsus Mary de Liguori Parish in Makati City at kulay yellow din ang bouquet nito.
Ilang beses naudlot ang nasabing kasalan dahil sa pandemic.
- Latest