^

PSN Showbiz

Anak ni super Tekla na-COVID, aktres nagluluksa sa sunud-sunod na pagpanaw ng kapamilya sa virus

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anak ni super Tekla na-COVID, aktres nagluluksa sa sunud-sunod na pagpanaw ng kapamilya sa virus
Tekla.

Nakakaawa naman ang anak ni Super Tekla na mahigit isang taon pa lamang na dinapuan ng COVID-19.

Ipinost ng komedyante sa kanyang Facebook account na humi­hingi siya ng dasal para sa kanyang Baby Angelo. Aniya; “Kahit anong ingat. Need your prayers for Angelo. Confined, QCGH COVID (4 crying emojis). Ama ‘di ko alam ang gagawin. Kayo nang bahala kay Angge.”

Nag-text kami sa manager ni Tekla kung kumusta na ang bata. Nagmu-monitor pa raw sila sa hospital.

Dalangin naming malagpasan ni Baby Angelo itong mabagsik na virus na ito.

Ang saklap din ng inabot ng isang aktres na ayaw ipabanggit ang pangalan niya. Respeto na lang daw sa kanilang pagluluksa, tumanggi muna itong magpa-interview.

Magkakasunod kasi ang pumanaw sa pamilya niya dahil din sa COVID-19. Kamakailan lang ay pumanaw na ang kanyang ama, pero bago ‘yan ay ang kapatid niya ang naunang pumanaw at sumunod daw ang lolo at lola. Kaya napakasakit nitong pinagdaraanan niya, at hindi pa niya alam kung paano siya makakabalik sa trabaho.

Ang narinig ko, hindi na muna itutuloy ang show na dapat ay kabilang siya.

Gabbi, frustrated sa pagkakabitin ng love you...

Hindi itinatanggi ni Gabbi Garcia na nalungkot sila ng nobyo niyang si Khalil Ramos nang pansamantalang itinigil na muna ang taping ng drama series nilang Love You Stranger. Nung December pa ito in-announce, at nakapagsimula na sila ng lock-in taping, pero nagkaroon ng mga problema kaya natigil ito.

Dapat ay iri-resume na noon, pero may problema na naman nang may ilang staff na nag-positive sa COVID 19. Kaya nag-decide na ang GMA News and Public Affairs na producer nitong series na sa January next year na nila ito itutuloy.

Napabalita pang hindi na raw talaga itutuloy at ibabasura na lang daw ang drama series na ito, pero tiniyak ni Gabbi na tuloy na tuloy ito. Nilinaw ito ng aktres nang makatsikahan namin sa kanyang virtual mediacon nung Huwebes ng hapon pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7.

Aminado siyang na-frustrate daw sila ni Khalil nang na-hold nga ang taping nito, pero naintindihan naman daw nila ang sitwasyon. “Hindi naman po ako magsisinungaling na okay lang.  Of course I felt…I was also sad ‘di ba? Frustrated. Pero more on, I’m just really trying to understand the whole situation. Kasi, naging honest naman sila sa amin when it comes to the show na ito ‘yung mga naging problema. Kinausap kami, sinit-down kami which I really appreciate and they really explained to us what happened.

“Then, more than anything it’s more on the ano eh ahhh understanding talaga. I understood them where they coming from and they also respected how we felt, but at the end of the day, kasi isa naman kaming team diyan sa GMA eh.

“So, nothing naman will happen kung magdaramdam tayo sa isa’t isa. And the important thing is matutuloy pa rin talaga ‘yung show next year.”

Hindi naman daw sila pinabayaan ng GMA 7, dahil binigyan naman muna sila ng ibang programa.

Kagaya ng episode nilang One Million Comments, Magjo-jowa na Ako sa Regal Studio Presents na mapapanood na ngayong gabi.

Next month ay magla-lock in taping na sila para sa Stories from The Heart.

May regular pa siyang All-Out Sundays. Kaya halos puno na raw ang schedule niya sa susunod na taon.

Sen. Bong, handa na sa pa-birthday

Ang dami pang gustong mag-submit sa Google Form Link para sa Kap’s Agimat Birthday Giveaway ni Sen. Bong Revilla, pero inabot na sila ng deadline nung nakaraang Huwebes ng tanghali.

Pero ngayon hanggang bukas ng gabi ay puwede pa ring sumali, basta tumutok lang sa Facebook live o sa YouTube Channel ni Sen. Bong Revilla, malaki pa rin ang tsansang manalo ng gadgets, o kaya cash prizes o kabuhayan package.

Iyon naman talaga ang gusto ni Sen. Bong na marami ang manalo, dahil marami silang ipapamimigay na papremyo para sa kanyang kaarawan.

Maligayang kaarawan, Sen. Bong Revilla!

 

 

vuukle comment

TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with