^

PSN Showbiz

Korina, in full bloom!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korina, in full bloom!
Korina
STAR/ File

I don’t know why pero parang blooming na blooming ngayon si Korina Sanchez.

Hindi n’yo ba napansin na ang ganda-ganda niya lately sa lahat ng video at photos na lumalabas.

Aside from nagbawas siya ng timbang, iba ang glow ng kanyang mukha, fresh na fresh. Mukhang happy siya talaga.

Ang ganda nga ng lahat halos ng photos na lumalabas lalo ‘pag kasama niya ang kanilang kambal na sina Pepe and Pilar.

At pati wardrobe at make-up niya, iba.

May inspiration nga siguro si Korina Sanchez, o baka naman gusto lang niya na lagi siyang yummy sa mga mata ni Mar Roxas.

Pero in fairness talaga, now talaga in full bloom si Korina Sanchez. Beauty talaga siya, gandang Belo at Beautederm fresh na fresh.

Take a bow mama, Korina, pang beauty contest ang tindig mo ngayon.

Very lady with substance, bongga talaga. Kinabog mo silang lahat ha.

Javi at Gino, may fallback agad

Ang suwerte-suwerte talaga nina Javi Benitez at Gino Roque.

Dahil kahit pa nga pumasok sila sa showbiz, hindi nila kailangang maging anxious kung ano ang magiging future nila. Hindi nila mararamdaman ang frustrations dahil ang lakas ng fallback nila.

Ngayon pa lang, sure winner na si Javi Benitez dahil wala raw kalaban sa pinasok niyang mayoralty race sa bayan nila.

Si Gino Roque, kung ‘di man magpatuloy sa showbiz after ng seryeng Pasabuy, may kumpanyang pamamahalaan kung sakali.

Sina Javi at Gino, pinagbigyan lang nang gusto nilang tikman ang buhay showbiz. Kaya naman never mawawala ang confidence nila sa sarili dahil alam nila, mas malaki pa ang chances nila sa mga career na babalikan nila.

Talagang some are born so lucky in life, ang kabilang diyan sina Gino Roque at Javi Benitez.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with