^

PSN Showbiz

Biruan sa Take It… na hindi kayang bumili ng ticket ni Paolo pa-NY, binigyan ng malisya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang ibang bloggers na walang ginawa kundi tumutok sa online show nina Nay Lolit Solis at Tita Cristy Fermin, kasama si Mr. Fu at ipi-pick up ang mga sinasabi ng tatlong host.

Noong nakaraang episode ng Take It, Per Minute… Me Ganun, muling napag-usapan si Paolo Contis na naka-lock-in ngayon sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

Naging biruan lang ang mga sinabing nagba-Bible study na raw ngayon si Paolo, at balak nitong puntahan si LJ Reyes sa New York para makipag-ayos.

Hiniritan pa ni Nay Lolit ng baka mangutang na naman si Paolo ng pamasahe pa-New York.

Siyempre, hindi naman kailangang ipangutang ‘yun ng aktor dahil sunud-sunod naman ang trabaho niya, kaya keri niyang bumili ng round trip ticket pa-Amerika.

Abala muna si Paolo sa trabaho niya at kung meron man siyang balak para kay LJ at sa anak nilang si Summer, malalaman at malalaman din naman daw natin ‘yan.

Pero sa ngayon ay gusto muna niyang manahimik at kung puwede lang daw ay huwag na muna siya pag-usapan.

Hindi naman kasi maitatangging hot item pa rin sina Paolo at LJ, kaya kahit ‘yung mga biruan at nina Nay Lolit, Tita Cristy at Mr. Fu sa kanilang online show ng Pilipino Star NGAYON ay sineseryoso ng ibang bloggers na walang ginawa kundi mag-abang lang ng kuwento at pipik-apin agad at palalakihin ang istorya.

Carla, panay singit sa taping ang ginawang preparasyon sa kasal

Bilib na bilib si Tom Rodriguez sa mapapangasawa niyang si Carla Abellana na sa gitna ng lock-in taping nito sa To Have and To Hold ay nasisingit naman niya ang pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal.

Ani Carla sa nakaraang mediacon ng bago niyang drama series sa GMA 7; “Mahirap po siyang ipagsabay, pero kailangan kong gawin. When we announced our engagement last March, akala po namin matutukan namin ‘yung wedding planning. Pero ang dami nga pong nasagasaan in terms of schedule, which is okay pa naman po dahil maaga-aga pa naman at that time. There are some case na hindi ko talaga kayang gawin while being at locked-in, ahhh mostly, kaya naman pong ipagsabay.

“Ang ginagawa ko po is in between scenes, or dinner break or lunch break, dun po ako nagsisingit ng wedding planning, whether it’s a meeting with the coordinator o i-update ko po ang let’s say suppliers or guest list. Kaya naman po and time management lang.”

Sa Lunes, Sept. 27, na magsisimula ang To Have and To Hold pagkatapos ng Legal Wives.

Raffy, handa na sa pagse-senador

Ayan na nga, mukhang tuloy na tuloy na ang pagtakbo ni Raffy Tulfo sa darating na eleksyon sa pagka-senador bilang independent candidate.

Sa lakas nga naman ni Idol Raffy sa masa, hindi na niya siguro kailangang umanib pa sa kahit na anong partido.

Pero bukod pala kay Idol Raffy, meron pang isang kilalang TV and radio personality na balak din palang tumakbong Senador sa darating na eleksyon.

Nagpaalam na raw ito sa bosses niya at pinayagan naman siya. Pero tahimik lang muna sa ngayon dahil napapanood pa siya araw-araw.

Ang sabi ay idedeklara niya ito bago siya magpaalam sa kanyang programa.

Samantala, si Cong. Vilma Santos ay tutuloy na rin sa pagse-senador kapalit ng posisyon ni Sen. Ralph Recto. Magse-Senado na raw si Cong. Vi, at sa Congress naman si Sen. Ralph.

vuukle comment

LJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with