^

PSN Showbiz

Aktres na palagastos sa lalaki, binabaliktad ang kuwento ng mga ex

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Galit ang pamilya ng isang kilalang female personality sa isang aktor na naging karelasyon niya. User daw ang male personality, sobrang bilmoko, kaya naubos nito ang ipon ng kanyang ex-girlfriend.

‘Yun ang press release ng girl sa kanyang pamilya nang magkahiwalay sila. Pinaniwalaan naman ‘yun ng kanyang mga magulang dahil ang malaking halagang naiipon niya ay biglang naglaho.

Pero kuwento ng aming source, “Maling-mali ang kuwento niya. Baligtad ‘yun! Hindi naman user ‘yung male personality, kilalang-kilala ‘yun ng mga kaibigan nila, hindi ganu’n ang kuwento habang magkarelasyon sila!

“Ang girl ang mahilig magregalo, siya ang bigay nang bigay ng kung anu-ano sa boyfriend niya! Pati sa family ng guy, panay-panay ang pagreregalo niya,” unang paglilinaw ng aming impormante.

Ang kuwentong ‘yun ay sinang-ayunan ng kampo ng isa pang male personality, naging magkarelasyon sila, hindi lang niya mabaligtad ang kuwento dahil mayaman ang male personality.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n din ang kuwento niya sa naging boyfriend niya. User kuno ‘yung nakarelasyon niyang male personality. Panay-panay raw ang paghingi sa kanya ng lalaki.

“Pero maraming nagpapatunay na ang girl ang mahilig magregalo. Mahilig pala siyang magpalapad ng papel sa pamilya ng karelasyon niya. Kung anu-anong pagkain at kagamitan ang inireregalo niya.

“Masamang-masama nga ang loob nu’ng ex niyang male personality. Pinalabas kasi niya na pati ang family ng guy, e, panay rin ang panghihingi sa kanya ng regalo!

“Kahit walang okasyon, give siya nang give ng regalo. Kahit hindi naman naglalambing sa kanya ang guy, palagi siyang may sorpresa! Tapos, nu’ng naghiwalay sila, e, ang guy ang idiniin niya sa parents niya nu’ng halos maubos na ang ipon niya sa bank?

“Nakakatakot pala siyang maging girlfriend! Nanglalaglag siya! Kapag naiipit na siya, e, bigla niyang ituturo ang ex niya?

“Bakit pa ba kasi siya nagreregalo kahit walang okasyon, e, hindi niya naman kailangang gawin ‘yun? May insecurity ba siya? Ano pa ang kailangan niyang ika-insecure, e, maganda naman siya at sexy pa?

“Ipagpapalit pa ba siya ng guy sa mga katangian niya? Siya na nga ang legal girlfriend, natatakot pa siyang masingitan ng ibang babae?” puro tanong na pagtatapos ng aming impormatne.

Ubos!

Phillip, tinawag na putik ni Lolit Solis

Para lang maiangat ang kartada at imahe ng kaibigan niyang pulitiko ay kung anu-anong salita ang binitiwan ni Phillip Salvador sa isang pagtitipon.

Okey lang namang ipakadiin niya ang papuri kay Senador Bong Go, pero sana’y hindi na siya nagkumpara, sana’y hindi na siya pumitik pa ng mga diumano’y ikinampanya niya rin pero puro pangakong napako lang naman ang napala niya.

Natural, ang unang maiisip ng mga kababayan natin ay ang mga kaibigan niyang karnal na sina Senador Bong Revilla at dating Senador Jinggoy Estrada, meron pa bang iba?

Hindi maganda ang insinwasyon ng kanyang mga pahayag, para siyang nanunumbat-naniningil, meron pala siyang inaasahang kapalit ang pagkampanya niya.

Sabihin na nating hindi nga sina Senador Bong at Jinggoy ang kanyang tinutukoy ay hindi pa rin maganda sa panlasa ang tabas ng kanyang dila. Hindi naman pala bukal sa puso ang pagtulong niya.

Sa huling episode ng Take It, Per Minute… Me Gano’n ay tinawag na kaibigang putik ni Kabsat Lolit Solis si Phillip. Ihinambing naman namin siya sa langgam. Kung nasaan ang asukal ay nandu’n si Phillip Salvador. Na kayang-kaya naming panindigan at kambalan ng resibo.

Nu’ng nakatagpo na siya ng bagong kampong maaasahan niyang mapagkukunan ng kanyang kabuhayan ay naalala man lang ba niyang kumustahin ang mga taong nakatulong sa kanya nu’ng walang-wala siya?

Naaalala pa ba niya ang pangalan nina Mayor Enrico Roque, Tita Flory Estrada at maging ni Zaldy Aquino?

Hindi pa man siya nakapagmumumog nu’ng mga panahong hilahod ang kanyang buhay ay nakatawag na agad siya sa mga nabanggit naming tao. Nanghihingi na ng ayudang pampinansiyal.

Aba, nang maging anino na siya ni Senador Bong Go ay ni hindi man lang niya naaalala ang mga taong milagro ang ginawa sa kanyang kabuhayan, ni tawag ay wala.

Tapos na kasi ang kanyang pangangailangan, may natagpuan na siyang pukyutan na punumpuno ng asukal, kaya isa siyang literal na langgam.

May naniniwala ba namang bumubuntot siya ngayon kay Senador Bong Go nang wala siyang pakinabang? Iniaangat ba niya ang pangalan ng pulitiko nang nagsasayang lang siya ng laway?

Kahit nu’ng nakapiit sa PNP Custodial Center sina Senador Bong at dating Senador Jinggoy ay hindi naman namin siya nakikita du’n nang madalas. Paminsan-minsan lang, kapag may okasyon, ganu’n ba ang tunay na kaibigan?

Ganu’n ba ang tunay na kaibigan sa makapal at sa manipis, sa pagbagsak at sa pagbangon, sa tag-ulan at sa tag-araw?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with