^

PSN Showbiz

Building ng Beautederm, mall ang peg, Willie atras na rin sa senado?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Building ng Beautederm, mall ang peg, Willie atras na rin sa senado?!
Rhea at Carlo
STAR/ File

Parang malabo na raw kumandidatong senador ang bilyonaryong host na si Willie Revillame.

Parang tinabangan daw ito sa mga nangyayari sa kasalukuyan at pakiramdam ni Nay Cristy Fermin, itutuloy na lang nito ang kanyang kawanggawa sa programang Wowowin sa GMA 7.

Pero ang isang sigurado na raw raw talaga ay si Mr. Raffy Tulfo.

At si Phillip Salvador pala dalawang beses nanalo sa casino na sanda­ling napag-usapan sa episode 112 ng Take It... Per Minute, Me Ganon!? kahapon.

Malaki-laki rin daw ‘yun ha. As in ilang milyon din. ‘Yung isa, mismong si Phillip diumano at ang isa ang partner niyang si Ms. Emma ayon sa source ng TIPMMG.

Inulit naman ni Nay Lolit Solis na hindi niya talaga kilala ang napangasawa ni Mark Herras na si Nicole Donesa.

Never pa raw niya itong na-meet. Katuwiran niya pa, “kailangan ba talaga lahat kilala ko,” may tonong Lolit Solis.

Sumali sa isang beauty pageant si Nicole – Miss World Philippines 2014 third princess.

Nagkaroon na rin naman siya ng exposure sa ilang shows ng GMA 7 pero obviously hindi tumatak sa memorya ni Nay Lolit na isa lang ang ibig sabihin.

May isa pa palang ko­medyante na nanalo sa casino pero pataya lang pala ‘yun sa kanya kaya naman hindi niya raw nasolo ang perang dapat na napanalunan.

Samantala, pinag-usapan din kahapon, na malapit nang matapos ang pinagagawang building ni Ms. Rhea Tan ng Beautederm sa Angeles Pampanga na sinasabing magi­ging luxury haven ng mga shopaholic.

Early 2022 pala ito mag-o-open kung saan meron itong coffee shop, gym and photo studio.

Nauna na itong nabanggit ni Ms. Rei na dream niya ang nasabing 7-floor building na mall ang peg.

Samantala, mas sumipag pa ngayon ang mga endorser ng Beautederm sa pagpo-post sa social media tulad nina Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Tonton Gutierrez and Glydel Mercado, Christopher de Leon, Carlo Aquino at marami pang iba. Ang Beautederm ang isa sa pinaka-maraming endorser.

Anyway ang Beautederm ang sponsor kahapon ng TIPMMG.

Sa mga hindi nakapanood ng episode kahapon, maki-team replay sa YouTube channel at Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa para sa mga umuusok pa ring mga chika at opinion ng mga paborito ng bashers na sina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu. Hahaha.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with