^

PSN Showbiz

Anne, laging nauudlot ang pagbabalik

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne, laging nauudlot ang pagbabalik
Anne Curtis
STAR/ File

Nalalapit na ang pagbabalik ni Anne Curtis bilang host sa It’s Showtime.

Matatandaang umalis ang aktres sa programa noong December 2019 upang manganak sa Australia.

Marso noong isang taon nang ipanganak ni Anne si Dahlia. Mula noon ay sa Australia na pansamantalang nanirahan ang aktres kasama ang asawang si Erwan Heussaff.

Pebrero nitong taon lamang nakabalik sa Pilipinas ang pamilya ng aktres. “Siyempre malapit na. I am just being very cautious din kasi minsan akala ko na nga na babalik na ako. Tapos biglang aakyat ‘yung cases (ng covid-19), tapos napapraning ako. Dahlia is still quite young pa. I am just being very cautious muna. But soon, babalik ako for sure ‘yon. Babalik talaga ako for sure,” bungad ni Anne sa amin.

Bukod sa hosting ay hinahanap-hanap na rin ngayon ng aktres ang paggawa ng mga pelikula. “Nami-miss ko din talaga umarte. That’s another thing that this time has given me. Nakakanood na ako ng napakaraming teleserye and K-dramas and mga Spanish series. I am super into it. When you watch these films and these series as an actress, nagaganahan ako. Nami-miss ko, so I know talaga na babalik ako,” pagtatapat niya.

Dahil hinahanap-hanap na ang pag-arte sa harap ng kamera ay posibleng bumalik na rin si Anne sa paggawa ng teleserye sa susunod na taon. “Who knows maybe as early as next year, I might do a series again or a film. I think I could make it work talaga. We’ll see how things are next year. Baka mamaya nag-a-attend ng pre-school, kinder na si Dahlia. That gives me a time din to go do Showtime. We’ll see how things go. I am really hoping na next year, things will be better for us,” pagbabahagi ng aktres.

Belle, singer na rin

Masayang-masaya si Belle Mariano dahil bukod sa pag-arte ay nabigyan na rin ng pagkakataon na maging recording artist. Nakapag-record na ang aktres para sa kantang Sigurado mula sa Star Music. “I remember, kausap ko noon si Sir Roxy (Liquigan, head ng ABS-CBN Music) and Sir Jonathan (Manalo,  creative director ng ABS-CBN Music). We were just hoping na sana magka-album din ako. And now mayroon na. I’m just so grateful and I am really excited na marinig ng lahat ‘yung mga songs na nasa album,” nakangiting pahayag ni Belle.

Ayon sa aktres ay talagang ibang karanasan ang recording kumpara sa acting.

Kailangan umanong pakaabangan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga kanta sa bagong album. “I really enjoyed our recordings. I enjoyed singing the songs written by amazing composers. I hope once na marinig ng mga tao ‘yung mga song ay ma-enjoy din nila,” pagtatapos ng dalaga.

(Reports from JCC)

vuukle comment

BELLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with