^

PSN Showbiz

Sen. Bong, itatambal kay Andrea!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong, itatambal kay Andrea!

May birthday blowout si Sen. Bong Revilla sa kanyang followers sa Facebook page.

Yup, balik-‘game show’ ni Sen. Bong para mamigay ng papremyo.

Bago nag-pandemic, nagiging ‘reunion’ ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa showbiz ang  birthday celebration aktor-pulitiko.

At tulad last year, may Kap’s Agimat Birthday Giveaway’  siya sa kanyang mismong birthday sa Sabado, Setyembre 25 at Linggo, Setyembre 26.

Santambak daw uling gadgets (laptop, cellphone at iPad) ang mapapanalunan at bonggang Kabuhayan package at cash prizes.

Sa mga interesadong sumali, mag-register sa Google form link at isumite ito sa social media account ni Sen. Bong.

Kailangang ding mag-subscribe sa kanyang official YouTube Channel.

Anyway, kumusta na kaya ang book 2 ng Agimat ng Agila?

May clamor na ituloy ang kuwento nito dahil nabitin talaga ang mga nanood.

Diumano, ang plano, si Andrea Torres na ang magiging leading lady niya rito.

Ito kaya ang rason kaya si Rabiya na ang ibibigay kay John Lloyd?

Anyway, happy birthday, Sen. Bong.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with