^

PSN Showbiz

Lovi, nag-aaral para gumaling ang British accent!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lovi, nag-aaral para gumaling ang British accent!
Lovi.

Halos hindi makapaniwala si Lovi Poe na napabilang sa Hollywood movie na The Chelsea Cowboy. Gagampanan ng aktres sa naturang international film ang karakter ng British singer na si Dana Gillespie. “One of the producers and the writer reached out to my management and asked me to read for the part. It was a simple as that. I read for the part, forgot about it and a few weeks after, it happened,” bungad ni Lovi.

Sa susunod na buwan ay nakatakdang simulan ang shooting para sa pelikula. Isa sa mga paghahandang ginagawa ng aktres ay ang pag-aaral ng Bri­tish accent para sa kanyang karakter. “Aside from making sure I am fully aware of who I am playing. I will do my best na mabigyan ng hustisya because she’s an icon. Nagpi-prepare ako nang maayos. I will be playing a role with a different accent. So that’s something I look forward to. Just trying to make sure that I get there prepared,” pahayag ng dalaga.

Sa ibang bansa kukunan ang mga eksena para sa bagong pelikula ni Lovi. Bilang isang bagong Kapamilya star ay talagang ramdam daw ng aktres ang suporta sa kanya ng network. “Even if I will be flying back and forth, if given the opportunity, I believe ABS-CBN would be very much supportive of anyone who’s going to be able to pursue different careers abroad,” saad ng aktres.

Andrew E., lumakas ang katawan nang magkapelikula

Humina ang resistensya ng katawan ni Andrew E. pagkatapos maoperahan noong isang taon dahil sa cholesterol blockage na kanyang naranasan.

Ikinabahala raw ng rapper ang kanyang mga pinagdaanan bago pa magkaroon ng pandemya. “Sa right shoulder blade, I underwent two robotic operations. Kailangan dalawa pati sa singit kasi mahaba ang blockage. I had to deal with it for two hours. Thank God, nalampasan ko,” kwento ni Andrew.

Malaki ang pasasalamat ng rapper dahil unti-unti nang nanunumbalik ang sigla ng kanyang katawan. Maayos na ang lagay ng kalusugan ni Andrew ngayon kaya muling nakabalik sa trabaho.

Maliban sa Pakboys ay nakasama rin ang actor-rapper sa Shoot! Shoot! (Di Kita Titigilan) mula sa Viva Films. “Lately ang concern ko ay ‘yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again. Kasi simula noong maospital ako, kung ang tao ay 100 % ang energy, I was around 40 %. And then came my movie, Pakboys, I was a little bit gaining like 50 or 60% energy. With Shoot Shoot! I was like 80 to 90% energy. Nagre-recuperate ako kahit paano, hindi ako napapahiya sa aking mga kasamahan sa pelikula. Baka isipin nila, I’m carrying the situation because I want to be pabida,” paglalahad niya.

Masayang-masaya si Andrew dahil naging isang pelikula ang Shoot! Shoot! ngayong taon na una rin niyang kinanta noong 2003.

Milyun-milyon na rin ang combined views sa TikTok gamit ang naturang kanta ng rapper. “Nagulat nga ako. It was my kids who were telling me, ‘Papa, is this your song?’ ‘What song? I don’t have a new one.’ ‘Shoot! Shoot! it’s all over TikTok.’ I can’t believe it,” pagtatapos ng rapper. Reports from JCC

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with