^

PSN Showbiz

‘Now is the time para harapin ni Mark nang seryoso ang buhay’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Now is the time para harapin ni Mark nang seryoso ang buhay�
Nicole at Mark.

Alam mo ba, Salve, na masaya ako nang makita ko sa news na ikinasal na si Mark Herras sa mother ng anak niya na si Nicole yata ang pangalan.

Masaya ako dahil may mag-aalaga na sa kanya at tatahak na siya sa bagong bahagi ng buhay niya.

Parang isang orphan si Mark nang mamatay ang Daddy Jun niya at Tito Hermie, plus namatay pa ang kanyang mother.

Now at least meron nang pamilya na titingin at mag-aalaga sa kanya.

Sana nga ito ang maging start ng bagong path na tatahakin ni Mark para sa kanyang future. At ito na rin sana ang maging daan para maging seryoso siya sa trabaho, lalo pa nga at meron na silang anak.

Si Mark kasi ang parang tipo ng bata who is growing older but refusing to grow up, hindi seryoso sa buhay.

Now is the time para harapin na niya nang seryoso ang lahat. Married na siya, may anak na, not getting younger kaya trabaho na.

Best wishes, Mark, I wish all the best for you.

Toni, ‘di na kailangan ng pr

Napakalaki namang issue masyado ng interview ni Toni Gonzaga kay former Sen. Bongbong Marcos. Parang national issue na ito na lahat nakisawsaw. Pati mga friendship nabanggit na talagang parang isang major sin ang ginawa.

Hindi ko tuloy malaman baka nga mas nakatulong pa ito dahil pinag-usapan, naging tren­ding, naging news.

Pati nga ’yung napakatagal na interview nina Kris Aquino at Bongbong Marcos lumabas pa.

Bongga talaga, walang effort nalagay ka sa sentro ng balita. Ito ang nakakatawa dahil gusto mo i-hush down pero lumaki, kasalanan ng bashers dahil sa reaction nila na naging major news.

Good for Toni and for Bongbong. At wagi ang vlog ni Toni, ngayon hindi na kailangang i-press release dahil sa sobrang balita, aware na ang lahat.

Hay naku, kahit ano na lang kasi sinasak­yan para lang mag-comment, eh ano ba ang big deal na in-interview ni Toni si Bongbong, makakatulong ba ito o makadagdag sa pandemic. Hindi naman, pero hayan, gulung-gulo ang bayan. Kaloka ‘di bah!

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with