Raffy Tulfo, nakipagsanib sa Kapamilya!
Bukod sa pagsalubong kay Lovi Poe bilang pinakabagong Kapamilya, panggulat din kahapon sa ASAP Natin ‘To si Mr. Raffy Tulfo na nakipag-duet kina Zsa Zsa Padilla and Nina ng kantang Kung Kailangan Mo Ako ni Rey Valera.
Feeling surreal daw siya dahil dati rati ay pinapanood niya lang ito. “Parang hindi kapani-paniwala,” sabi ng sikat na TV5 host kina Zsa Zsa and Gary Valenciano after ng song number nila.
Nag-dialogue rin siya na : “Mga Kapatid, andito ako sa Kapamilya. Magsama-sama tayo para lalong lumakas ang ating puwersa,” aniya pa.
May nagkumpirma na tuloy na diumano ang laban ni Mr. Raffy in Action sa senado.
Yes, as independent candidate. Wala diumano itong sasamahang partido.
Wow, eh kung gumawa kaya sila ng grupo ni Willie Revillame kasama si Rep. Lucy Torres. Bongga ‘yun tiyak panalo na silang tatlo.
At least sila, sigurado tayo na uunahin nila ang pagtulong at hinding-hindi mangungurakot at mag-aaway-away dahil mga bilyonaryo na sina Mr. Raffy and Willie habang si Rep. Lucy, madasalin, takot sa Diyos.
Naku push na ‘yan...
- Latest