^

PSN Showbiz

Walong mang-aawit, magtatapat sa tawag ng tanghalan grand finals

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Walong mang-aawit, magtatapat sa tawag ng tanghalan grand finals

Nakatakdang magbago ang buhay ng isa sa walong finalist na maglalaban-laban para ika-limang grand finals ng Tawag ng Tanghalan ngayong Sabado (Setyembre 18) sa It’s Showtime.

Malalaman na sa Huling Tapatan mula kina Reiven Umali, Froilan Cedilla, Psalm Manalo, Gem Christian, Adrian Manibale, Anthony Castillo, Lorraine Galvez at Aicia Mallary kung sino ang susunod sa mga yapak nina Noven Belleza, Janine Berdin, Elaine Duran, at JM Yosures.

Ang mapalad na bagong kampeon ay mag-uuwi naman ng P1 million, isang brand new house and lot mula sa Camella na nagkakahalagang P2.3 million, isang recording contract with ABS-CBN Music, isang management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at trophy na dinisenyo ni Toym Imao.

Gaya ng nakaraang finals, ang matitirang tatlong fina­list ay aawit ng isang medley ng isang artist na kanilang hinahangaan. Kumpara sa naunang round, ang kalahati ng score ng tatlong finalist ay kukunin mula sa boto ng viewers. Sa huli, ang finalist na may pinakamataas na combined scores mula sa hurados at boto mula sa madlang people ang tatanghaling ika-limang TNT grand champion.

Sino kaya sa walong finalists ang magiging bagong kampeon ng Tawag ng Tanghalan?  

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with