^

PSN Showbiz

Bullying sa pulitika, malala na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Siguro kaya umatras tumakbong senador si Cong. Lucy Torres dahil sa nakikita niyang political scenario ngayon. Kalokah ‘yung ‘away’ nina Papa Digong at Senador Richard Gordon ha.

Umabot na kay Dracula, baka mamaya maging Fran­kenstein na or Egyptian mummy. Ewan ko ba, dati bentang-benta ‘pag nagbibitaw ng mga ganu’ng dialogue si Papa Digong, pero lately parang ang mga oneliner niya wala nang premium, hindi na kinakagat.

Napanood ko minsan sa TV na naging speaker siya, wala na ‘yung sigla ng audience nang magbitaw siya ng biro tungkol sa spare tires.

Samantalang noong araw, basta nagsalita si Papa Digong wait ka sa mga oneliner, now parang waley na sa tao. Para bang ‘yung jokes na binibitawan niya you find it in bad taste now.

Actually nga, habang binibira niya si Sen. Gordon parang gusto mo nang iboto ito dahil feeling mo binu-bully na.

Siguro nakita iyon ni Cong. Lucy kaya natakot tumakbo sa Senado. Imagine mo, Presidente, ganun ang sinasabi sa isang senador?

Nasaan na ang respeto para sa ating mga high ranking officials at leaders? Parang mga ordinaryo na silang mga tao na hindi mo bibigyang galang. A big joke para sa lahat ng Pilipino.

Mas gusto ko na siguro ‘yung dati, parang mga demigod ang ating officials. Ginagalang. Hindi sisipsipin ni Dracula ang dugo.

Trip to Baguio nina Paolo at Yen, naging katatawanan na rin

Siguro happy sina Sec. Berna Romulo Puyat at Mayor Benjamin Magalong ng Baguio sa title na Friendship Capital of the Philippines, Salve.

Naging byword at hashtag na talaga ito sa lahat, hah hah. Kahit na may naughty connotation ‘pag sinasabi na halika sa Baguio, usap tayo friend, malaking impact din ang ibinibigay nito para sa Summer Capital.

Ok din na nakatulong sina Paolo Contis at Yen Santos sa tourism industry.

Mahirap iyon kay LJ Reyes dahil masyadong mahal ang ticket papuntang New York, ganda rin sana i-promote na ‘gusto mo gamutin heartache punta ka New York’ eh may visa pa, plane fare at accommodation expenses ang mae-encounter mo.

Hay buhay, ganito na lang natin harapin ang mga controversy, gawin na lang nating funny, dahil sobra nang bigat ng life, gawin na nating light ang solution.

Dahil patuloy naman ang buhay, kahit pa nga bumpy roads behind or ahead, life goes on. Baguio tayo, friends?

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with