^

PSN Showbiz

Toni, hinamon na i-guest din ang mga biktima ng rehimeng Marcos

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Toni, hinamon na i-guest din ang mga biktima ng rehimeng Marcos
Toni.

Tuloy ang pagre-react sa interview ni Toni Gonzaga kay dating Sen. Bongbong Marcos para sa kanyang YouTube channel na Toni Talks.

Hindi maganda ang dating sa mga Anti-Marcos siyempre, at naglabas nga ng open letter ang Ateneo Martial Law Museum.

Bahagi ng open letter na inilabas nila kaugnay sa  interview kay dating Sen. Bongbong Marcos; “Inviting the son of a murderous and corrupt dictator of our country to your show benefits no one and pushes back the struggle to gain justice from the atrocities committed by the Marcos regime and against historical revisionism running rampant amongst our people.

“Your show has contributed to the Marcos family’s attempts to whitewash their human rights violations and its proven historical record.”

May sinasabi pa silang sa katulad ni Toni na isang kilalang celebrity, dapat ay ginagamit nila ang kanilang social media platform sa tama at para sa ikauunlad ng bawat isa.

Kaya iniimbitahan nila si Toni na interbyuhin naman ang mga na­ging biktima nung Marcos regime. Willing daw silang mag-facilitate sa interbyung ‘yun para lumabas ang buong katotohanan sa nangyari nung panahon ni Marcos.

Walang imik si Toni sa mga tuligsang ibinato sa kanya.

Mukhang close naman kasi ang pamilya niya at pati si direk Paul Soriano sa Marcos family. Ninong nila si Sen. Bongbong sa kasal.

May ilang nagtanggol naman at iniintindi nila ang kalagayan ni Toni na nag-i-interview lang naman siya sa mga taong tingin niya may interesting na kuwentong ibabahagi.

May memes tuloy na ang susunod daw na interbyuhin ni Toni ay si Hitler.

Pero naglabasan din ang video ng interview ni Kris Aquino kay Sen. Bongbong Marcos sa kanyang talk show noon na Actually Yun Na sa RPN 9.

Nagulantang at nadismaya ang pamilya noon ni Kris lalo na ang kanyang inang dating Pangulong Cory Aquino nang nakita sa television nationwide na nagbeso silang dalawa.

Anak ni Claire na si Gigo, suportado ng bf ang pagso-showbiz

Nakakatuwa na sa gitna ng pandemya at kahit wala pang katiyakan ang pagbubukas ng mga sinehan, meron pang nangahas na mag-produce ng pelikula kahit sa digital platform lang muna.

Nabuo ang bagong movie production na 3:16 Media Network na pag-aari ng negosyante sa Cebu na si Melanie Uy ka-partner ang talent manager na si Lyn Carillo. Ang first production nila ay ang pelikulang Moonlight Butterfly na kung saan ilulunsad ang bago nilang artistang si Christine Bermas, kasama sina Albie Casiño at Kit Thompson.

Maganda ang takbo ng kuwento na kukunan nila sa Angeles, Pampanga at ididirek ni direk Joel Lamangan. Sabi nga ni direk Joel, mas gusto raw niyang gawan ng pelikula ang bagong artista, dahil parang blackboard pa lang daw ito na wala pang sulat at ikaw ang magpupuno nito.

Ang isa pang kasali sa pelikula ay ang anak ni Claire dela Fuente na si Gigo de Guzman. Si Gigo na ngayon ang nagma-manage ng restaurant ni Claire sa may Dampa sa Macapagal Avenue at sinabi niyang noon pa man ay gusto rin daw niyang pasukin ang pag-aartista. Ang mommy lang daw niya ang hesitant dahil ayaw daw niyang maranasan ni Gigo ang mga intriga at ‘di magagandang nangyayari sa showbiz. “To be honest po before, she didn’t want me to enter showbiz. Iyon po ang sa umpisa. Pero talagang pinakiusapan ko po siya, pinayagan po niya akong mag-acting, here and there po. So, naging supportive na rin po siya. I think she will just be happy na I’m doing what I want,” pakli ni Gigo.

Pinipilit naman niyang mag-move on na raw silang magkakapatid, at in love ngayon si Gigo na suportado pa siya ng boyfriend nang magpa-story conference ng pelikulang ito na ginanap sa kanilang restaurant sa Dampa. “Okay naman po. Pero hindi pa po masasabi na completely moved on na po tayo,” sabi pa ni Gigo.

 

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with