^

PSN Showbiz

Kim pinakita ang secret hideout ‘pag gustong magmuni-muni!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim pinakita ang secret hideout �pag gustong magmuni-muni!
Kim.

Ang galing naman ni Kim Chiu.

May sarili siyang lugar ‘pag gusto niyang magmuni-muni.

Bago pa nag-pandemic ay nakapag-invest na siya sa condo at doon siya nagpupunta ‘pag gusto niyang mag-isa.

Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang kanyang secret hideout na hindi na raw secret after ng nasabing condo tour. “Sobrang liit lang ng lugar na ‘to kasi most of the time, ako lang talaga mag-isa rito. Dito ako nagmumuni-muni. Now ko lang talaga ‘to pina-renovate nang hardcore kasi parang napapadalas ‘yung pag­tambay ko rito. So gusto ko namang maganda, maayos, malinis,” chika niya tungkol dito na home away from home niya nga.

“Parang nagbabahay-bahayan lang ako. Ako lang talaga mag-isa rito. Ako ang naglilinis. As an independent girl ako rito. Wala si sissy Kam, though sometimes nandito siya. Wala ‘yung mga angel ko, so ako lang talaga kapag gusto ko ng self-love,” sey pa ni Kim na hindi na flashy ang interior dahil dalaga na raw siya.

Kumpleto siya ng gamit sa nasabing condo. Ang cute ng mga kitchen appliances niya kasama na ang pink collection niya ng plates.

Maliit din daw ang mirror niya dahil natatakot siya sa malaking mirror.

Walang bedroom ang nasabing unit kaya sa sofa bed ang nasa living area nito.

“Ngayong quarantine kasi parang pina-realize sa atin na maganda pala sa bahay. Alis tayo nang alis, travel tayo nang travel, tira tayo nang tira ng ibang lugar, pero mas maganda palang mag-invest sa bagay na alam mong sa ‘yo at hindi magandang mag-invest na mawawala rin agad.

“Kasi ito nakuha ko lang ‘to dahil may konti akong natabing ipon, and then naisip ko kung saan ko ‘yun gagastusin. May nakapagsabi sa akin na best investment talaga ng money mo is really to buy a property. So kahit maliit lang siya, tutubo rin naman ‘yun.

“Kaysa bumili ng mga car na magde-depreciate din ng konti, might as well buy something for yourself that one day you’ll be really proud of. Proud naman ako dito sa aking small space.”

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with