^

PSN Showbiz

Rep. lucy hindi na magse-senador!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rep. lucy hindi na magse-senador!
Cong. Lucy at Mayor Richard
STAR/ File

‘Di na rin kumakain ng chicken...

Nakakahinayang naman na hindi na kakandidatong senador si Rep. Lucy Torres.

Magsa-swap na lang diumano sila ng position ni Ormoc Mayor Richard Gomez.

Si Mayor Goma na ang kakandidato sa pagka-congressman at si Rep. Lucy ang magmi-mayor.

Parang sina Sen. Ralph Recto and Cong. Vilma Santos na magsi-switch din ng position sa 2022.

Kasama sa initial senatorial line-up ng PDP Laban  si Rep. Lucy nang magkaroon sila ng convention last week.

Baka naman magkaroon pa ng change of heart or decision si Rep. Lucy na hindi na ngayon kumakain ng karneng manok dahil naging friends na raw niya ang mga ito at hindi niya kayang kainin ‘pag nakikita niyang kinakatay ito.

Samantala, cooking ang bonding ng mag-amang Mayor Goma and Juliana, na nag-celebrate ng 21st birthday last week, sa Youtube channel ng dating actor na Goma at Home. Ang galing na nilang magluto.

PPP, bagong sinemula ang tema sa 5th edition

Tuloy ang taunang film fiesta ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kung saan ibibida ang mga short film sa pagbabalik ng ika-5th edisyon nito ngayong taon na may libreng screenings mula  sa 25 na finalists sa Sine Kabataan Short Film Competition at Sine Isla: LuzViMinda Short Film Competition sa Setyembre 17 hanggang 26 sa FDCP Channel.

Ang PPP 5 na may temang Bagong SineMula, ay binibigyang pansin ang mga kwento ng regional filmmakers at ng mga kabataan mula sa Sine Isla at Sine Kabataan, ayon sa pagkakasunod.

Tampok nito ang 10 entry mula sa Sine Kabataan, isang platform na nagbibigay ng oportunidad sa mga nagmimithi na batang filmmakers upang malantad ang kanilang bagong talento, at 15 finalists mula sa Sine Isla: LuzViMinda, ang bagong short film competition na nagbibigay ng suporta at pansin sa regional filmmakers.

Noong Setyembre 15 ay nagkaroon ng virtual Opening Ceremony ang PPP5 para ilunsad rito at ipakilala ang filmmakers sa parehas na kumpetisyon.

Mula Setyembre 15 hanggang 26, maaari nang mapanood ang 25 short films sa FDCP Channel.

Upang bigyan ng platform ang mga kalahok na filmmakers at manonood upang mapag-usapan ang short films at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa, ang Talkbacks with Sine Kabataan and Sine Isla: LuzViMinda filmmakers ay gaganapin sa Setyembre 24 at 25, susundan ito na awarding ng mga nanalo sa Closing Program ng Philippine Film Industry Month sa Setyembre 30. “The agency, through its annual PPP, showcases a variety of stories from filmmakers all over the country. This year, we are introducing unique voices from carefully curated short films from the agency’s programs. We hope to inspire the audience and ask for their support as FDCP highlights films by the youth and regional filmmakers in this first leg of the program,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

vuukle comment

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with