^

PSN Showbiz

Top-rating Korean drama series na Mr. Queen, mapapanood sa GMA

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Mapapanood na sa Philippine television ang isa sa top-rating dramas ng South Korea na Mr. Queen simula ngayong Setyembre 20 sa GMA Telebabad.

Ang Mr. Queen ay isa sa most talked-about at highest-rated dramas sa South Korea ngayong 2021 dahil sa natatangi nitong kuwento at nakakaaliw na characters.

Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Shin Hye-Sun bilang Kim So-Yong, Kim Jung-Hyun bilang Cheoljong, Choi Jin-Hyuk bilang Byron, Na In-Woo bilang Kim Byeong-In, at Seol In-Ah bilang Jo Hwa-Jin.

Sa modernong panahon, si Byron ay isang chef na nagtatrabaho sa Blue House. Isang araw natagpuan niya ang kanyang sarili sa katawan ng reyna na si Kim So-Yong sa panahon ng Joseon.

Ang mga tao sa paligid ng reyna ay naguguluhan sa kanyang biglaang pagbabago kasama na si Haring Cheoljong. Ang pagbabagong ito sa ugali ni Reyna So-Yong ay pumukaw sa interes ng hari at nagsimula siyang mabighani as reyna. Sa paglipas ng panahon ay matutuklasan ni So-Yong ang mga lihim sa palasyo.

Sa kanyang bagong buhay, paano makakahanap ng balanse si Byron upang makabalik sa kasalukuyan habang tinutupad pa rin ang tungkulin niya bilang reyna at asawa?

Mapapanood ito simula Setyembre 20, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 ng gabi sa GMA Telebabad.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with