^

Probinsiya

Crime of passion sa Camarines Sur: Dyowa binigti, suspek ginilitan ang sariling leeg

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Crime of passion sa Camarines Sur:  Dyowa binigti, suspek ginilitan ang sariling leeg
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kasapi ng PNP-SOCO, nakitaan ng marka sa leeg si Seña na posibleng binigti ng kinakasamang si Palomares gamit ang electrical cord habang may malalim na laslas sa leeg ang nasabing lalaki.
STAR/ File

CALABANGA, Camarines Sur, Philippines — Kapwa duguan at patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang kuwarto ang magdyowa matapos na pinaniniwalaang binigti ng lalaki ang kinakasama nito saka niya ginilitan ang sarili sa Zone-2, Brgy. San Roque ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Noel Esperon Palomares Jr., 35-anyos at Shiela Tolentino Seña, 44-anyos, kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga ay humingi ng responde sa Calabanga Police ang tatay ni Palomares hinggil sa naririnig na pagtatalo at matinding komosyon ng mag-partner sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay.

Gayunman, pagda­ting ng mga pulis ay nagulantang sila at ng mga kaanak matapos nilang mabuksan ang nakakandadong pinto ng kuwarto ng dalawa. Dito na tu­mambad ang mag-partner na duguang nakahiga sa ibabaw ng kama habang nakayakap pa ang lalaki sa babae.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kasapi ng PNP-SOCO, nakitaan ng marka sa leeg si Seña na posibleng binigti ng kinakasamang si Palomares gamit ang electrical cord habang may malalim na laslas sa leeg ang nasabing lalaki.

Matapos mapatay ang kinakasama, dito na nag-lock ng kuwarto ang lalaki saka nito nilaslas ang sariling leeg.

Narekober naman ng mga pulis ang duguang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit ng nasabing lalaki sa paglaslas sa sarili.

Selos ang isa sa tinitingnang anggulo sa matinding pagtatalo ng mga biktima na hindi pa idinetalye ng pulisya at mga kaanak, na nauwi sa malagim na krimen at pagpapatiwakal.

vuukle comment

PNP-SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with