^

Probinsiya

2 kilabot na holdaper todas sa shootout!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 kilabot na holdaper todas sa shootout!
Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Miguel Villadar at  Jonathan Solaiman ng Brgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat. Sila ay kapwa dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao, Philippines — Dalawang lalaki na responsable umano sa serye ng holdapan sa mga residente ang napatay ng mga awtoridad, isang oras makaraang mangholdap ng isa pang guwardya sa Brgy. Awang ng bayang ito, kahapon.

Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Miguel Villadar at  Jonathan Solaiman ng Brgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat. Sila ay kapwa dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, naispatan nila ang dalawang suspek sa Brgy. Awang habang nag-aabang ng kanilang panibagong biktima.

Nang lapitan ng personnel ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng Maguindanao Provincial Police Office, sina Villadar at Solaiman para sa inspeksyon ay bigla umanong pumalag ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Dito na nakipagpalitan ng putok ang mga operatiba sanhi upang bumulagta ang mga suspek.

Sinabi ni Col. Christopher Panapan, Maguinda­nao provincial police director na nitong Miyerkules ay ginalugad ng mga pulis ang naturang lugar upang hanapin ang mga suspek matapos na isang off-duty security guard ang nag-ulat na hinoldap siya ng dalawang suspek sa Purok Fatima, Brgy. Tamontaka.

Ayon sa pulisya, ilang residente na kabilang ang isang menor-de-edad ang nagkumpirma na ang dalawang napatay na suspek ang may kagagawan sa mga holdapan at nakawan sa kanilang lugar.

vuukle comment

CHRISTOPHER PANAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with