^

Probinsiya

2 traffic enforcer sa Cavite huli sa pangongotong sa Dutch

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Sa ha­lagang apat na libong piso, sibak sa trabaho at kulong ang sinapit ng dalawang traffic enforcer matapos ireklamo ng isang Dutch National ng pangongotong kamaka­lawa ng gabi sa Aguinaldo Highway, Brgy, Panapaan 5, Bacoor City.

Ang dalawang traffic enforcer na nahaharap sa kasong robbery extortion ay nakilalang sina Albert Velasquez at Carl Xavier Galang, kapwa miyembro ng Bacoor Traffic Ma­nagement Department.

Ang dalawa ay ­inireklamo ng dayuhang si Marek Moens, nasa hustong gulang, Dutch national at kasalukuyang residente ng Bacoor City.

Sa imbestigasyon ni Pat. Marco Romero Cupo, alas-7 ng gabi nang harangin ng dalawang traffic enforcer ang dayuhan na nagmamaneho ng Honda TMX sa kahabaan ng Aguinaldo Highway.

Pinatabi ng dalawang enforcer ang dayuhan at sinabihan na may paglabag siya sa pagbabalewala diumano sa batas trapiko.

Kasunod nito, hi­ningaan umano ng da­lawa ang dayuhan ng P4,000.00 kapalit ng hindi pag-isyu ng ticket para sa kanyang traffic violation. Tig-P2,000 umano ang ibinigay ng biktima sa dalawang enforcer.

Matapos ito, agad dumiretso at nagreklamo sa Cavite Mobile Patrol Unit ang biktima kaya agad na dinakip ng mga pulis ang dalawang traffic enforcer. 

vuukle comment

MAREK MOENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with