^

Probinsiya

Bus inararo mga pasahero sa Dumaguete terminal; 3 sugatan

Philstar.com
Bus inararo mga pasahero sa Dumaguete terminal; 3 sugatan
Makikitang pinagtutulungang itulak ng mga pasahero ang isang bus matapos nitong salpukin ang ilang katao sa isang terminal sa Dumaguete City, ika-5 ng Hulyo, 2022
Video grab mula sa isang Facebook video ni Jeka Dela Cerna

MANILA, Philippines — Nakuhanan sa CCTV ang pagsagasa ng isang Ceres Bus sa mga pasaherong naghihintay at nakaupo sa termninal terminal sa Dumaguete City, Negros Oriental, Martes ng hapon.

Makikita sa CCTV footage na may mga pasaherong nakaupo at naghihintay sa waiting area nang walang anu ano’y sinalpok dire-diretso ang mga nabanggit at tsaka pa lang tumigil. 

Sa kuha ng isang pasaherong si Jeka Dela Cerna, makikitang pinagtutulungan ng iba pang pasahero na itulak ang bus upang makuha sa pagkakaipit ang ilang pasaherong nasalpok ng bus.

Ayon sa ulat ng GMA News, walang nagtamo ng malubhang pinsala ngunit tatlong menor de edad ang sugatan na pawang mga residente ng Minglanilla, Cebu.

Nakilala ang driver ng bus na si Joebie J. Lajot, 43-anyos na nasa kostudiya na ng pulisya.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga pulisya kung human o mechanical error ang sanhi ng aksidente. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan  

vuukle comment

BUS

DUMAGUETE

TERMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with