Aso ng Coast Guard 'hinarang' P210K halaga ng shabu sa Zamboanga
MANILA, Philippines — Nabutata ng isang working dog ng Philippine Coast Guard (PCG) ang outbound package sa Zamboanga International Airport na siyang naglalaman pala ng sandamakmak na sachet ng ilegal na droga.
Batay sa ulat ng PCG nitong Martes, natimbrehan ng asong si "Bunny" ng PCG K9 Team Zamboanga ang naturang package na naglalaman ng 14 sachet ng shabu na may bigat na limang gramo bawat isa.
PCG WORKING DOG DETECTS PHP 210K WORTH OF ILLEGAL DRUGS
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) July 5, 2022
While inspecting packages at the Zamboanga International Airport, one of the working dogs of the PCG K9 Team Zamboanga showed positive indication on a certain package today, 05 July 2022.
?? https://t.co/pLpNkZ2CQm
### pic.twitter.com/zHPVNBsgS7
"Upon opening the package, the PCG K9 Team Zamboanga and other airport authorities found 14 sachets (five grams each) containing white crystalline substances suspected as methamphetamine, commonly known as shabu," ayon sa PCG kahapon.
Anila, tinatayang aabot sa P210,000 ang halaga ng nasabat na droga bandang 12:50 p.m noong araw na 'yon.
Kasalakuyang iniimbestigahan na ng mga otoridad mula Philippine Drug Enforcement Agency ang krimen.
Anang PCG, katuwang nila ang K9 Teams sa pagpapatupad ng "peace, security, and orderliness" sa iba't ibang paliparan sa bansa alinsunod sa direktiba ni dating Department of Transportation Secretary Art Tugade. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest