^

Probinsiya

Mister niratrat ng 5 armado habang nakaluhod at nakagapos

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAWAYAN, Masbate, Philippines — Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos pagbabarilin ng limang armado habang nakaluhod at nakagapos sa tabi ng kalsada ng Purok 4, Sitio Sto. Niño, Brgy. Recodo ng bayang ito, kamakalawa.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkaka­kilanlan ng biktima na tinatayang nasa 35-anyos ang edad, nakasuot ng jersey na may number 71 at may pangalang Sastae, at naka-short pants ng kulay itim at green.

Hindi naman nakilala ang mga gunmen na mabilis na nakatakas lulan ng hindi naplakahang sasakyan.

Sa ulat, pasado alas-6 ng umaga nakita ng ilang residente ang pagdating ng grupo saka pinaluhod ang biktima na nakagapos sa likod ang dalawang kamay.Sa hindi malamang dahilan ay bigla itong pinagbabaril dahilan nang agarang kamatayan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with