^

Probinsiya

3 NPA namatay sa gutom, bangkay nahukay ng militar

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

GAMU, Isabela, Philippines — Matagumpay na nahukay ng mga sundalo katuwang ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at pulisya ang tatlong bangkay ng mga rebeldeng New People’s Army na sinasabing namatay sa gutom sa kabundukan ng Sierra Madre sa bayan ng Maconacon ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Kinilala ni Capt. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang mga nahukay na bangkay na sina alyas “Marco”, “Jero”, at “Lucia”, pawang miyembro ng Central Front, Isabela at Komiteng Probinsiya Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Pinangunahan ng mga operatiba ng 502nd Infantry Brigade at ang 95th Infantry Battalion ang paghukay sa tatlong libingan ng mga nasawing rebelde sa tulong ng tatlong kasamahan na sumuko noong katapusan ng Hunyo sa tropa ng militar dahil na rin sa kawalan ng pagkain at hirap ng kanilang kabuhayan.

Ayon sa rebelasyon ng mga sumukong rebelde na sina alyas “Lerio”, “Del”, at “Victor” na siyang mga nagturo mismo sa lokasyon ng libingan, unang nasawi at nailibing si alyas Marco noong May 24 habang sina alyas Jero at Lucia ay inilibing naman noong Hunyo 22 matapos silang masawi dahil sa matinding gutom sa kabundukan. 

vuukle comment

DPAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with