^

Probinsiya

Bulkang Kanlaon patuloy sa pag-aalburoto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Kanlaon patuloy sa pag-aalburoto
Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), nagluwa rin at nakapagtala ang Bulkang Kanlaon ng asupre na umaabot ng 151 tonelada sa isang araw.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalburoto ng Mt. Kanloan sa Negros matapos makapagtala ito ng 21 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), nagluwa rin at nakapagtala ang Bulkang Kanlaon ng asupre na umaabot ng 151 tonelada sa isang araw.

Bagama’t walang plume na namonitor sa bulkan, kinakitaan naman ito ng bahagyang pamamaga. 

Nananatiling nasa alert level 1 ang status sa bulkan kaya patuloy na pinagbabawal sa mga tao na pumasok sa loob ng apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang magpalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bu­nganga ng bulkan dulot ng inaasahang biglaang phreatic explosions o pagputok ng steam.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with