^

Probinsiya

ASF tumama sa Camiguin, pagpasok ng mga baboy bawal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipi­nagbabawal sa lalawigan ng Camiguin ang pagpapasok ng mga baboy matapos na makumpirma ang pagkakaroon dito ng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ang ban ay idineklara ni Camiguin Governor Xavier Jesus Romualdo kasunod sa report ng Department of Agriculture-Northern Mindanao (DA-10) nang makumpirmang positibo sa ASF ang mga karne ng baboy sa naturang islang lalawigan.

Nanawagan din si Romualdo sa mga nag-aa­laga ng baboy na huwag makisali sa pagpapakain ng swill o ng mga scrap ng pagkain, sa halip ay lalo pa nilang pagtibayin ang hakbang na naayon sa biosecurity measures.

“The public is likewise advised that the slaughter of pigs outside of the municipal slaughterhouses is a criminal offense punished under Republic Act 9296, otherwise known as the Meat Inspection Code of the Philippines, as amended by RA No. 10536,” ayon sa panawagan.

Nakasaad sa ilalim ng batas na ang pagbebenta, paglabas, at pag-alok o pagtanggap para sa pagbebenta o transportasyon sa komersyo ng iligal na kinatay na baboy ay maaaring maharap sa kasong criminal, at kukumpiskahin ang mga ito.

Nakapagtala na rin ng 14 na baboy na namatay sa mga bayan ng Pandan at Mambajao sa isinagawang imbestigasyon ng PVO nitong Hunyo 22.

Patuloy ang ginagawang pag-depopulate ng mga infected na baboy sa lugar at lahat ng backyard pig farm sa loob ng 500 metro mula sa infected na lugar.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with