^

Probinsiya

Tanod itinumba ng tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang barangay tanod nang tambangan at barilin sa kanyang tricycle ng riding-in tandem sa Brgy. Dardarat, Tagudin, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Dante Julio alyas “Ampi”, may asawa, residente at barangay tanod ng Brgy. Lacong ng natu­rang bayan.

Sa imbestigasyon ng Tagudin Municipal Police, isang saksi ang nakarinig ng putok ng baril hanggang sa makita nito ang biktima na nakalupasay na sa tricycle nito at naliligo sa sariling dugo.

Nakita pa umano ng testigo ang mga hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas papuntang hilagang direksyon matapos na makitang napuruhan nila ang biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Tagudin Police sa motibo sa krimen at mga responsable rito.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with