^

Probinsiya

Estudyanteng siga binaril ng PNP doctor, utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Estudyanteng siga binaril ng PNP doctor, utas!
Sa report ng Davao City Police, arestado ang suspect na si Dr. Marvin Rey Andrew Pepino, non–uniformed personnel na nagsisilbi sa Police Regional Office (PRO) ng Davao Region at residente ng Bajada ng lungsod na ito.
STAR/File

Kaguluhan sumiklab sa bar  

MANILA, Philippines — Dahil umano sa pagtatanggol sa sarili, binaril at napatay ng isang doktor ng Philippine National Police (PNP) ang isang diumano’y sigang estudyante makaraang sumiklab ang kaguluhan sa isang bar sa Davao City nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ng Davao City Police, arestado ang suspect na si Dr. Marvin Rey Andrew Pepino, non–uniformed personnel na nagsisilbi sa Police Regional Office (PRO) ng Davao Region at residente ng Bajada ng lungsod na ito.

Base sa imbestigasyon, dakong ala-1 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang San Pedro Police Station ng Davao City hinggil sa komosyon sa pagitan ng dalawang grupo na pawang nasa impluwensya ng alak sa Lugar Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Esquena de Tavera Building sa panulukan ng V. Mapa at J. Camus Extension Street sa nasabing siyudad.

Tinangka namang awatin ni Police Corporal Ropel Gersalino ng nasabing himpilan ang dalawang partido upang masawata ang kaguluhan at pagdanak ng dugo kung saan ang grupo ng biktimang si Amir Mangacop, isang estudyante ng Brgy. 19-B ng lungsod na ito ang higit umanong nakalalamang ng lakas kumpara sa grupo naman ng nasabing doktor.

Sinasabing ang grupo ni Mangacop ay kinatatakutan sa lugar na palaging napapaaway sa mga bar.

Binalewala umano ng grupo ni Mangacop ang pag-awat sa kanila ng pulis na si Gersalino at inatake si Pepino na napilitang ipagtanggol ang sarili gamit ang kaniyang armas.

Ilang magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Pepino na sumapol sa katawan ng estudyante.

Nagpulasan naman ng takbo ang mga kasamahan ni Mangacop matapos itong duguang bumulagta.

Bagama’t naisugod pa sa Davao Doctors Hospital ang biktima pero  idineklara nang dead-on-arrival.

Narekober ng mga imbestigador na nagresponde sa crime scene ang isang cal 9 MM Glock 43 na may magazine at anim na bala.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with