^

Probinsiya

20 ‘tulak’ huli sa serye ng buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Umabot sa 20 na hinihinalang tulak ng droga kabilang ang walong babaeng naaresto ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan.

Isinagawa ang magkakahiwalay na buy-bust operation sa pagitan ng alas-1:35 kamakalawa ng hapon hanggang alas-2:00 Sabado ng madaling araw sa tatlong lungsod at apat na bayan sa Cavite.

Nanguna ang lungsod ng Dasmariñas sa pinakamaraming mga hinihinalang drug pusher na inaresto na nasa anim, habang tig-apat sa Cavite City at Silang; tig-dalawa naman sa Naic at Bacoor City at tig-isa sa Alfonso at General Mariano Alvarez (GMA) o kabuuan na 20 katao.

Sa nasabing bilang, walo rito ay babae mula sa Dasmariñas City at Cavite City na tig-apat habang tig-isa mula sa Naic at Silang. 

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with