‘Domeng’ tumama sa Batanes, inaasahang lalabas sa PAR ngayon
MANILA, Philippines — Napanatili kahapon ng Tropical Depression “Domeng” ang lakas habang kumikilos sa northward direction sa bansa matapos ang pagtama nito sa Batanes kahapon.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng (Pagasa), maaaring umabot sa tropical storm category si Domeng.
Huling namataan si Domeng sa 950 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes taglay ang hangin na umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro kada oras.
Ayon sa Pagasa, magdudulot ng pag-ulan ang monsoon trough at southwest monsoon na pinalakas pa ng Tropical Depression Domeng at Tropical Storm Chaba o Caloy sa Central at Southern Luzon.
Sa ngayon, wala pang tropical cyclone wind signal na itinataas ang Pagasa.
Gayunman, inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Domeng ngayong Sabado.
- Latest