Higit 1,000 puno itinanim sa Cotabato
MANILA, Philippines — Umabot sa mahigit 1,000 tree seedlings ang itinanim sa ginanap na tree planting activity na inorganisa ng National Irrigation Administration Region XII sa kolaborasyon ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa 6ID Kampilan Golf Course ng Camp Paulino Santos sa Brgy. Dado, Alamada, Cotabato noong Hunyo 29.
Nagpartisipa sa aktibidad na tinawag na “Trees, Water, Life: Greening the Philippines the NIA Way” ang tropa ng 6ID, Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) Alamada, NIA-Libungan Rover Irrigation System, NIA XII Employees Multi-Purpose Cooperative, Philippine National Police at iba pang stakeholders. Pinuri ni Major General Roberto Capulong, acting commander ng 6ID at JTF Central ang naturang aktibidad na nagsisimbolo aniya ng pagkakaisa sa layuning makamit ang “greener at sustainable community”.
- Latest