^

Probinsiya

Sundalo dedo sa engkuwentro sa Apayao

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

GAMU, Isabela, Philippines — Patay ang isang miyembro ng Philippine Army matapos ang mahigit sa 30-minutong sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga te­roristang New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Barangay Katablangan, Conner, Apayao kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Army Captain Ringor Pamittan, civil-military officer ng Philippine Army 5th Infantry Division (5ID), nasa 14 na miyembro ng mga teroristang grupo ang nakasagupa ng mga tauhan ng 52nd Division Reconnaissance Company (DRC) dakong alas-3:15 ng hapon sa naturang lugar.

Hindi naman binanggit ni Pamittan ang pagkakilanlan ng nasawing sundalo dahil ipinaalam pa sa kanyang pamilya ang sinapit nito.

Ayon sa report, ang nasawing bayani ay isang batang sundalo mula sa isang Tribu sa lalawigan ng Kalinga.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay si Major General Laurence Mina, commander ng 5ID sa pamilya ng nasawi nilang kabaro sa ngalan ng buong hanay ng kasundaluhan.

“His family bereft a loved one and his fellow lost a hero who could have been an effective peacekeeper, protecting the Kalingas and the Cordillerans against the cruelty, abuse and terror of the CTGs,” pahayag ni Mina.

vuukle comment

NPA

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with