^

Probinsiya

Ginang na ayaw magpakasal, pinatay sa sakal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ginang na ayaw magpakasal, pinatay sa sakal
Lumabas sa imbestigasyon ng Davao Police Office na natagpuang patay ang biktimang si Joan Balabagan Lin­tang sa loob ng banyo sa isang inn sa kahabaan ng C.M. Recto sa Barangay 35-D noong Hunyo 26.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na ginang ang pinatay sa sakal ng kanyang lover matapos na hindi nito itinuloy ang kanilang pagpapakasal naganap sa Davao del Sur.

Kinilala ang suspek na si Maliry Bitil Guma­nan, 35-anyos, residente ng bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur.

Lumabas sa imbestigasyon ng Davao Police Office na natagpuang patay ang biktimang si Joan Balabagan Lin­tang sa loob ng banyo sa isang inn sa kahabaan ng C.M. Recto sa Barangay 35-D noong Hunyo 26.

Sinabi ng mga otori­dad na nag-check-in ang mag-asawa sa inn ban­dang alas-12 ng tanghali, gayunpaman, nagkaroon ng away ang mga ito matapos ipagpaliban ng biktima ang kanilang kasal.

Sinakal ni Gumanan si Lintang hanggang sa mamatay pagkatapos ay itinago ang katawan ng biktima sa loob ng banyo bago tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Dahil sa konsensya, sumuko ang suspek sa Magsaysay Municipal Police Station (MMPS) at kinasuhan ng murder.

vuukle comment

DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with