^

Probinsiya

Farm helper inutas ng kainuman

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Farm helper inutas ng kainuman
Kinilala ang nasawi na si Tommy Madamba, 63, binata ng Barangay Maburac, Gapan City, at isang farm helper ng CDB Farm sa nasabing lugar, na nagtamo ng mga taga sa ulo, mukha at kaliwang bahagi ng katawan.
STAR/ File

GENERAL TINIO, Nueva Ecija, Philippines — Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang katawan ng isang 63-anyos na farm helper makaraang pagtatagain ng gulok ng kainuman na kasamahan nito sa trabaho sa isang farm sa Purok Martin Village, Barangay Nazareth ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Tommy Madamba, 63, binata ng Barangay Maburac, Gapan City, at isang farm helper ng CDB Farm sa nasabing lugar, na nagtamo ng mga taga sa ulo, mukha at kaliwang bahagi ng katawan.

Naaresto  sa isinagawang manhunt operation ng pulisya, ang suspek na si Ricky Mamac, 38, binata, tubong Quezon province.

Ayon sa pulisya, isang tawag sa cellphone ang tinanggap ng kanilang istasyon bandang ala-1:15 ng madaling-araw ng Huwebes mula sa isang Zaldy Rodero, farm supervisor, na may naganap umanong pagpatay sa kanilang farm.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, isang Rico Arizala, 42, isa ring farm helper sa lugar ang tumayong saksi na sinabing nag-iinuman silang tatlo  nang bigla umanong magtalo ang biktima at suspek na humantong sa pananaga ng huli sa biktima.

Kasong murder ang isinampang kaso laban sa suspek.

vuukle comment

CDB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with