^

Probinsiya

Kuya nalipasan ng gutom, tinopak: Sanggol na pamangkin pinugutan, utol kinatay!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kuya nalipasan ng gutom, tinopak: Sanggol na pamangkin pinugutan, utol kinatay!
Ayon sa saksi, nakita nila ang suspek na lumabas ng kanilang bahay bitbit ang itak na may bahid ng dugo at naglakad patungo sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng sanggol matapos pugutan ng ulo habang pinagtataga ang ama nito ng kanyang sariling kuya na sinasabing nalipasan ng gutom kaya sinumpong ang sakit sa pag-iisip nitong Lunes ng hapon sa Surigao del Norte.

Kapwa naliligo sa sariling dugo at bangkay na nang matagpuan ang mag-amang Johnny Avila Sequira, 23, at sanggol na si Marjorie, 9 buwang gulang; kapwa residente ng Purok-Mabuhay, Barangay Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.

Naaresto naman sa manhunt operation ng Mainit Municipal Police ang suspek na si Fred Avila Sequira, 33, ang nakatatandang kapatid ni Johnny.

Sa ulat ng Mainit Police, alas-4 ng hapon nitong Lunes nang maganap ang karumal-dumal na krimen sa loob ng tahanan ng mag-ama.

Ayon sa saksi, nakita nila ang suspek na lumabas ng kanilang bahay bitbit ang itak na may bahid ng dugo at naglakad patungo sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Dahil dito, mabilis nilang tinungo ang bahay ng mag-ama at dito bumulaga sa kanilang harapan ang mga bangkay kaya agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Sinabi naman ng mga kaanak ng mga biktima na may sakit sa pag-iisip ang biktima at posibleng sinumpong ito lalo na kapag nalilipasan ng gutom.

Ayon kay Police Regional Office 13 director Police Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., ipasusuri nila ang suspek habang nakakulong sa Mainit Police at nahaharap sa kasong double murder.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with