^

Probinsiya

Bodegero timbog sa P3.4 million shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang itinuturong bodegero ng droga matapos na makuhanan ng aabot sa 3.4 milyong pisong halaga ng shabu sa ginawang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Juan St., Brgy. Peñafrancia ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Eymard Rey Fortuna Batan alyas “BongBong”,43-anyos, may asawa at residente ng Zone-3 San Juan St., Brgy. Peñafrancia, Naga City at sinasabing “bagsakan” ng droga mula sa supplier nito sa Kamaynilaan.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon sa tulong ng Naga City Police Office ay inilatag ng mga ahente ng PDEA mula sa Sorsogon, Masbate at Camarines Sur Provincial Office sa overall supervision ni regional director Atty. Gil Pabilona, ang buy-bust operation laban sa suspek.

Nang iabot ni Batan ang droga sa poseur buyer ay mabilis itong inaresto ng mga nakakubling operatiba.

Maliban sa boodle money na ginamit sa buy-bust ay nabawi sa suspek ang dalawang bungkos ng plastic bag na may lamang shabu na may timbang na 500-gramo at nagkakahalaga ng P3,400,000.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with