^

Probinsiya

Motor vs bike: Rider utas, 1 pa sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider habang kritikal ang isa pang lalaking nagbibisikleta matapos silang magsalpukan at masagasaan pa ng paparating na van habang kapwa bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Lalaan 2nd sa bayan ng Silang, dito sa lalawigan, kahapon.

Dead-on-arrival ang biktima na nakilalang si Jose Villanueva, 24 anyos, factory worker, residente ng Plaza Homes Anabu, Brgy Anabu 2-A, Imus,Cavite.

Kasalukuyan naman inoobserbahan sa pagamutan ang biker na nakilalang si Jaime Austria, 49-anyos, mananahi at residente ng Purok 155, Brgy. San Jose, Tagaytay City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng Hi Ace van na nakasagasa kay Villanueva na si Abubacar Pangulamen Camar, 32 an­yos ng Pitugo, Bauan, Batangas.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Ralph Jayson Santos, may hawak ng kaso, alas-6:55 ng umaga habang minamaneho ni Villanueva ang kaniyang Suzuki Raider 150 (9110 GL) na may kabilisan ang patakbo nang hindi umano nito agad napansin ang papatawid na si Austria habang nagbibisikleta upang sumalpok dito at kapwa sumemplang.

Sa kamalasan, tumilapon ang biktima at nasagasaan ng papara­ting na Toyota Hi-Ace van (DAZ 8682) ni Camar na hindi na nakaiwas.

Agad na itinakbo sa pagamutan ang dalawa subalit idineklarang dead-on-arrival si Villanueva habang kasalukuyang inoobserbahan ang biker na si Austria.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with