^

Probinsiya

SUV rumagasa sa Lipa: 1 dedo, 1 sugatan

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
SUV rumagasa sa Lipa: 1 dedo, 1 sugatan
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Limuel Quiambao, habang sugatan ang kasama­hang construction wor­ker na si Jay Em Yumol, 17, kapwa residente ng Arayat, Pampanga.
Graphic by Philstar/John Villamayor

BATANGAS, Philippines — Patay ang 29-anyos na construction worker habang isa pa ang sugatan matapos mabundol ng isang rumaragasang SUV sa lungsod ng Lipa, Linggo ng mada­ling araw. 

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Limuel Quiambao, habang sugatan ang kasama­hang construction wor­ker na si Jay Em Yumol, 17, kapwa residente ng Arayat, Pampanga.

Sa inisyal na im­bestigasyon, alas-3:30 ng madaling araw ay naglalakad lamang ang mga biktima sa shoulder ng JP Laurel highway nang bigla na lamang silang mahagip ng humaharurot na Mitsubishi Montero sport na minamaneho ni Patrick Kyle Castillo, 24-anyos. 

Naisugod pa sa Lipa City District Hospital ang mga biktima pero idineklara nang dead on arrival ng doktor si Quiambao. Nagtamo naman ng mga sugat sa katawan si Yumol at kasalukuyang nagpapagaling sa naturang ospital.

Naaresto rin ng pulisya ang driver na si Castillo, na taga-Barangay Bagong Pook, Lipa City.

Ayon sa pulisya, una nang umamin si Castillo na nakainom ng alak nang mangyari ang insidente.  

vuukle comment

ACCIDENT

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with