^

Probinsiya

Barangay kagawad pinabulagta sa basketball tournament

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MILAGROS, Masbate, Philippines — Bulagta sa barangay plaza ang isang incumbent barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang gunmen habang nanonood ng basketball tournament sa Brgy. Capaculan ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng isang tama ng punglo sa ulo at agad nasawi ang biktimang si Edison Aganan Rosero, 55, may asawa at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi habang masayang nanonood ng basketball sa kanilang plaza ang biktima nang biglang sumulpot mula sa kanyang likuran ang dalawang lalaki na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.

Bago pa nakakilos ang biktima ay walang kaabug-abog na siyang binaril sa ulo at katawan sanhi upang bumulagta sa lugar.

Mabilis na nakatakas ang gunmen na sumabay sa pagkakagulo at pagtatakbuhan ng mga tao na natakot sa pamamaril. Patuloy sa ginagawang ang mga pulis para malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with