^

Probinsiya

Bibisita sana sa kanyang nobya binatilyo natagpuang tadtad ng saksak

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALUGTUG, Nueva Ecija, Philippines — Hindi na umano nakarating sa bahay ng kanyang girlfriend ang 15-anyos na binatilyo makaraang matagpuang tadtad ng saksak at isa nang malamig na bangkay malapit sa isang small water impounding project sa Barangay Tandoc sa bayang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Talugtug Police ang biktima na si Cyrus Vince Antonio, 15-anyos ng Barangay Tandoc, dito. 

Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan ng biktima ng isang concerned citizen bandang alas-7:30 ng umaga at agad itong ipinarating sa tatay ng dalagita.

Nabatid sa pulisya na positibong kinilala ni  Virgilio Antonio, 40-anyos, ama ng biktima ang bangkay ng kanyang anak at sinabi nito na noong gabi ng June 25 ay nagpaalam umano ang biktima na dadalaw sa kanyang girlfriend sa Barangay Guiset sa bayan ng Guimba, sakay ng kanyang motorsiklong Suzuki Smash.

Hindi umano nakarating ang anak sa kanyang kasintahan noong gabing iyon at hindi rin umano nakauwi sa kanilang bahay. Kinabukasan ay agad siyang hinanap ng amang si Virgilio hanggang sa matagpuan ang katawan nito na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng mga saksak.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng Talugtug Police para sa mabilis na paglutas sa krimen. 

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with