^

Probinsiya

Kumasa sa raid, target suspect todas!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MILAGROS, Masbate, Philippines — Bulagta ang isang suspek sa pamamaslang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang warrant operation laban sa kanya sa Sitio Laray, Brgy. Tibgao ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng pung­lo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang suspek na kinilalang si Rodito “Duran” Arizala, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:25 ng umaga, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni RTC Branch 45 Judge Teofilo Barruga Tambago dahil sa kasong murder ay magkatuwang na sinalakay ng mga kasapi ng Regional Intelligence Unit, Police Special Action Force, Uson Police at Milagros Police ang bahay ng suspek.

Gayunman, sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang suspek at nakipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi sana ng arrest warrant laban sa kanya dahilan para masapol siya ng bala.

Narekober sa suspek ang isang hindi pa matukoy na pistola at dalawang molotov bomb.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with