^

Probinsiya

1 pang barangay chairman itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 pang barangay chairman itinumba!
Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Florencio Cagas, tserman ng Brgy. Sto Niño ng nasabing lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isa na namang barangay chairman ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Butuan City, Agusan del Norte nitong Biyernes ng gabi.

Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Florencio Cagas, tserman ng Brgy. Sto Niño ng nasabing lungsod.

Sa report ng CARAGA Police, bandang alas-7:10 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin at nang mati­yempuhan ang biktima sa Purok 7, Brgy. Sto. Niño ay bigla na lamang pinagbabaril saka nagsitakas.

Sa tala, si Cagas ang ikalawang opisyal ng brgy. na nilikida sa loob lamang ng isang linggo. Noong Hunyo 21 ay napaslang din ang Sanggunian Kabataan (SK) Chairman Nelbert Gacosta matapos na paulanan ng bala ng  mga armadong salarin.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang mga salarin.

vuukle comment

CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with